[Chapter 1 - My Name.]

1.8K 35 4
                                    

ALMIRA'S POV

*kriiiiiiiiiiing kriiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Ay, umaga na pala. Napasarap ako sa kakapanaginip. Pero bat ganun, nakalimutan ko na kung anong nangyari? Ikekwento ko pa sana kay CK, kaso di ko na alam kung anong nangyari. Ang peyl naman nitey. (>3<)

"Ate, maligo ka na! Malelate ka pa nan sa school mo unang araw mo pa naman!", sigaw ni Alyssa, kapatid kong napakabait at responsable. Kahit mas matanda ako, mas nagmumukha naman si Alyssa na nanay. Haha 6 years old pa lang yan ha!

"Eto na kapatid kong mabait. Sabay na tayong kumain ha?", sagot ko habang bumababa ng kahoy naming hagdanan. Maririnig mo pa yung mga *crack* *crack*.

"Opo, nagluluto pa lang naman ako. Inigiban na kita Ate ng tubig.", sabi ni Alyssa habang kumukuha ng plato.

"Napakabait talaga ng kapatid ko! Sa susunod, ako na mag-iigib ha? Ayokong napapagod ang mabait kong kapatid.", sabay pat ko sa kanyang buhok. (^_^)

"Opo. Osya Ate maligo ka na para sabay na tayong makakain."

Tumingin ako sa paligid, napansin kong wala si Nanay, "Alyssa, si Nanay, maaga nanaman bang umalis? Diba gabi na sya nakarating kahapon?"

"Mga maghahating-gabi na nga po yun eh. Opo, maaga sya pumunta doon sa carinderya, para daw mas marami syang maluto.", sagot nya nang may lungkot sa mata.

"Oh wag ka nang malungkot. Mamaya sabihan mo si Nanay na maaga nang umuwi ha para mabantayan ka. Ako na muna ang magtatrabaho."

"Ate, di nyo na ako kailangang bantayan, malaki na po ako!"

"Ikaw parin ang baby namin.", sabay  kurot ko sa kanyang pisngi, "oh maliligo na ako, napasarap tayong magkwentuhan. Sabayan mo na ako papuntang eskwelahan ha? Parehas na naman tayo ng dadaanan ngayon eh. Kasabay ko si Kuya CK mo."

"Sige po!"

At pumunta na ako sa maliit na CR ng bahay namin. Tinipid ko yung tubig na inigib ni Alyssa para hindi na nya kailangan mag-igib ulit. Nagbihis na ako at kumain. Papalabas na ako ng bahay nang biglang may sumigaw.

"Almira!!"

"Uyy CK! Tara bilisan na natin."

"Sige. Hi Alyssa!"

"Nako Kuya CK, kahit kaibiganin mo ako hindi parin ako papayag na ligawan mo si Ate Almira!",  sabay irap niya dito.

"Grabe ka naman Alyssa, bumabati lang naman ako.", at humarap na sya sakin, "ang sungit naman ng kapatid mo. Meron na ba yan?" at ngumisi.

Speak Right NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon