[Chapter 31 - Bye Riyanna.]

233 11 4
                                    

RIYANNA’S POV

 

*beep beep*

 

“Oh my gosh, like oh my gosh girlies. You won’t believe the message that I got.” excited na sabi ni girlie Kelly samin habang nakatitig sa iPhone niya.

Oh well, hindi ko siya pinansin kasi nagreretouch pa ako. You know, my make-up should always be perfect.

“Ano yun sis?” curious na tanong ni Wendy. Yes, magkakasama ngayon ang mga dyosa sa university, ang Maria Malditas. And we’re here sa room.

“That girl Almira na sinabotage natin nung first day and is at war with bitch Aliyah, she is like auditioning right now, as in right now, for SJUTC.” pag-iinform niya samin with matching flip ng hair.

I don’t actually know why but I suddenly stopped putting my blush-on. Almira? Siya yung nabigyan ko ng words of wisdom there at the pool right where we also almost drowned her to death? Wow, I just realized the irony. Uhh, whatever.

The nerve of that girl! Akala ko pa naman mahinhin siya and all. I guess they’re right, she is too good to be true. Makapal din pala ang mukha, nag-audition pa sa SJUTC!

Wait, masyado na ba akong judgemental? Pero di ko maintindihan kung bakit niya i-e-expose yung sarili niya habang ang dami pang taong galit sakanya. Pangarap niya bang mabato ng kamatis sa SJUTC? I know I told her to clean her name and all, but eto lang ba yung alam niyang paraan? Hindi naman appropriate kung mag-eexplain siya habang nagtatalent siya. Oh balak niyang kantahin yung mga sasabihin niya? Kakaibang utak ang meron siya, yun lang ang masasabi ko.

Mabilis kong tinapos yung paglalagay ko ng blush-on then inayos ko yung gamit ko. Napansin ko yung mga stare nila Kelly and Wendy kaya tumigil ako.

“What?” iritado kong tanong.

“Bakit mo inaayos yung gamit mo? May pupuntahan ba tayo?” tanong ni Wendy.

“No.” nagtaka din ako sa ginawa ko. Bakit ko nga ba inayos? Err..

“I know! We should watch that girl Almira! What do we know? Baka may mangyaring interesting!” excited na sabi ni Kelly then nag-jazz hands pa siya.

I want to thank Kelly for that brilliant idea, pero nagtaka ako kung bakit. Why the hell should I thank her? At hindi naman yung brilliant idea! What is wrong with me? Nagmukha lang akong cool sa girl na yun natuwa na ako sakanya. No way. Nuh uh. I will stay maldita... to everyone.

“Why should we even—“ that’s me, pinutol ni Wendy.

“It’s a brilliant idea!” what? No! “Tara na Riyanna! Hey maybe dapat bumili tayo ng popcorn...”

Nagstrut na sila Kelly at Wendy paalis habang ako naman hindi makapaniwala. It is not a brilliant idea when I say it is not! Pero kesa naman magmukha akong loner dito, sumunod na lang din ako, of course, with poise.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Speak Right NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon