C H A P T E R 3
A.) Walang mangyayari. Chill lang.
NATULOG LANG KAMI.
Luckily, nasurvive ko naman ang first night ko sa room namin ni Calvin. Siguro dahil, parehas kaming pagod kahapon dahil nga kakarating lang namin tapos ang hhyper ng mga kasama namin, diba? Hahaha.
Safe pa siya sa akin. HAHAHAHA! Joke lang guys. Wala naman akong planong masama noh! Baka siya meron. --,)
Andito na kami ngayon sa dining area at kumakain ng lunch. Infairness, masarap magluto ung mga guys. Yes readers, ung mga lalaki ang nagluto. May future na sila. Pwede na silang mag-asawa. Hahaha!
Mejo tumagal ng isa’t kalahating oras ung lunch namin dahil naghaharutan silang apat na magpapares dun. Kami ni Calvin, tawa nalang ng tawa. Haha! Pa'no, di naman daw kasi sila under sa mga girlfriend nila pero nung sinagot sila ng “Ah, ganon?” bigla nalang naging mga maamong tuta. Ang kukulit nila. Hahaha!
Nung hapon naman, bumalik kami sa dagat. Ayun, nagswimming ulit. Dapat magjejet ski pa, ang kaso, di naman pwede gamitin ung mga nandun kasi matagal na daw di naooperate, baka maaksidente pa daw kami. Kaya, nagswimming nalang sila. Ako naman, nagpakaPhotographer nalang. Wala sa mood ung katawan ko lumangoy eh. Hahaha!
Nandito na ako sa mga bato-batong part ng beach. Yung malalaking bato. Basta yun. Hahaha! Tinignan ko ung oras at 5.30pm na pala.
Umupo ako dun sa isa sa mga bato. Iintayin ko nalang ang sunset, magandang kuna un eh. :>
May mga nakita pa akong mga crabs dun sa baba kaya kinunan ko na din. Natutuwa kasi ako sa kanila, pwede na silang mag-model. Hahaha.
“Huy, anong ginagawa mo?”
Ay may lumitaw na kapre. HAHAHAHA! Joke lang! Baka awayin ako ng mga fans ni Calvin jan eh. :P
“Naghihintay ng sunset.” Tapos umupo siya dun sa katabing bato.
Nung nakaupo na siya, naramdaman kong nakatingin na siya sa akin. At nakikita ko din sa peripheral vision ko.
“Stop staring.” Kalmado kong sabi sa kanya. Nakaupo nalang kasi ako eh, di na ako nagtatake ng pictures.
“A-ah, s-sorry.” Sagot niya sa akin tapos tumingin nalang sa dagat. “Ang ganda mo kasi eh.” He mumbled.
Agad agad naman akong namula. Bastos na Calvin 'to! Pinakikilig ako!
Katahimikan...
“Alam mo ba,” Sabi niya nang nakatingin sa papalubog na araw.
“Ano?” Binitiwan ko na ung camera ko kasi nakunan ko na ung papalubog na araw. Nilagay ko nalang ung kamay ko sa may gilid at nanuod sa papalubog na araw.
Ginaya niya naman ung posisyon ko at nilagay ung kaliwa niyang kamay sa may kamay ko.
Nagulat naman ako sa ginawa niya pero di ko tinanggal ung pagkakapatanong ng kamay niya sa kamay ko.
“Yung taong makakasama mo daw manuod ng sunset ay yung taong makakasama mo hanggang sa pagtanda.”
Then he smiled.
Dug dug.
BINABASA MO ANG
My Summer Chance || COMPLETE
Romance[COMPLETE] "Hindi naman natin yun masasabi eh. Sabi nga nila, huwag tayong magsalita ng tapos." - Yssa Francisco My Love Chance Book 2.