C H A P T E R 1
Summer na naman. At dahil summer nga, nagplano kami na pumunta sa beach dahil sobrang init ng panahon ngayon at dahil mejo bitin ang summer vacation kapag Nursing student ka.
“Yssa, ready ka na ba? Malapit na dumating sina Patricia.” Sigaw ng aking ina mula sa baba. Nandito pa kasi ako sa harapan ng computer ko at nagbabasa ng kwento.
“Opo! Handa na po lahat!” Sagot ko naman. matatapos ko na kasi ung binabasa ko kaya minadali ko na ung pagiimpake. Wala na naman akong naiwan, sigurado ako dun dahil ginawan ako ng listahan ni Mama.
Ako nga pala ulit si Yssa Marie Francisco. Yssa for short. Nursing student at single mula 1st year College. Kung itatanong niyo kung anong year na ako, graduating student na ako. At kung icocompute niyo, three years na akong single. HAHAHAHA!
Di pa nakakamove-on? Sorry, pero nakamove-on na ako.
Madali lang naman pala.
Mga buong 2nd year life ko. HAHAHAHAHA!
Joke lang. Siguro mga ilang months lang after nung Christmas. Di ko na din kasi alam kung kailan talaga kasi di ko na siya naiisip nun. Basta nagising nalang ako one day na, hindi ko na siya mahal.
Kamusta ang barkada ko? Well...
Patricia’s doing great. Sila pa din ng boyfriend niya. niloloko nga namin sila na hanggang simbahan na, pero tatawanan nalang nila kami. As for her and Meryll, last na pagkikita na nila ung sa Town before Christmas. Balita namin eh may bago na daw girlfriend si Meryll. Sana happy na sila.
Jass and her boyfriend are engaged! Nung graduation kasi ng boyfriend niya last year eh biglang nagpropose ito! Kaloka. Kahit kami di kami sinabihan ni Alan nun! Nung tinanong namin kung kailan nila balak sabi nila, chaka na. ang importante daw eh, engaged na sila.
Cheska and her lovelife naman ay ganun pa din. Actually sila ang may pinakanakakatuwang lovelife sa amin. Para lang kasi silang magbarkada. Hindi uso ang PDA sa kanila. Nakakatuwa diba? Hahaha
Chanel is still single. Ang kaso, wala na siya sa Philippines eh. Last year she and her whole family went to California. For good na daw sila dun at dun na din daw siya mag-aaral. We still talk pa naman through Skype pero ngayon kasi madalang na since may pasok siya at summer namin.
Dominique became closer to us. Remember, di naman siya namin talaga kasama, but since naging classmate ko siya, ayun naging close na din siya sa iba ko pang friends.
*beep beep*
Ay for sure sina Patricia na yan!
“Yssa, andito na sina Patricia. Bumaba ka na!” Sabi na eh. Agad agad kong kinuha ung jansport kong bag at ung mini make-up kit ko. yun lang naman ang dala ko
“Ma, tetext nalang po kita pag nakarating na kami don! Bye! :*” Tapos nagkiss ako kay mama at kinuha na ung baon kong money. Hehe.
“Mag-ingat kayo!” Sabi sa akin ni mama habang hinatid ako sa may pinto. Kumaway naman sa kanya sina Patricia.
Tinuro naman ni Patricia ung pintuan sa likod. Meaning dun ako uupo. Fortuner kasi ung dala nila. Tapos may isa pang sasakyan sa likod. I guess sina Dominique un kasi Vios eh. Un ung sasakyan ni Lawrence, boyfriend niya.
Agad ko namang binuksan un at nagulat ako kung sino ang natagpuan ko dun.
“Calvin? What are you doing here?” Nagulat ako kasi di naman siya close kina Patricia pero nandito siya.
“Uhm?” Hindi niya ata alam ung isasagot niya.
“Mamaya mo na nga intrigahin yang si Calvin, sumakay ka na!” Sigaw naman sa akin ni Jass na nakaupo sa likod na part ng sasakyan.
So sumakay na naman ako. At for the second time nagulat ako.
Now I know kung bakit nila niyaya si Calvin. =__________=
Kasi partner-partner sila. Bastusan lang ang trip nila. Kainis.
Si Jass kasi kasama si Alan. Si Patricia, kasama si Lester well, obvious naman kasi nga nasa driver seat diba. Tapos ung nasa Civic naman sina Dominique at Lawrence at sina Cheska at Francis.
“Hey, okay ka lang?” Tanong sa akin ng katabi ko.
Nagnod nalang ako as a sign na ‘Oo’. Tapos bigla niyang nilagay ung ulo ko sa balikat niya. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Agad akong napatingin sa rearview mirror at nakita ko na si Lester (Boyfriend ni Patricia) ay napangiti. Alam ko na iniisip nito. -_______________-
“Tulog ka muna. Mukha kang puyat eh. Hahaha” Hindi na ako umangal kasi totoo naman. Puyat nga ako dahil sa sobrang excitement at kakabasa sa wattpad. Hahaha.
After 2 hours...
Naramdaman ko nalang na may yumuyugyog sa akin.
“Huy, Yssa, gising na, andito na tayo.” Hindi ako sumagot. Inaantok pa kasi ako. Kulang talaga ako sa tulog. Swear.
“Nako Calvin, di eepekto ang ganyang paggising kay Yssa!” Narinig ko naman si Jass. Ay ewan ko sa kanila. Inaantok talaga ako.
“Ha? Eh pano?” Sagot ulit ni Calvin.
“Ganito oh.” Si Patricia naman ang sumagot.
Grabe, nananaginip ba ako? Bat parang halos lahat sila nandito. Weird.
At bigla nalang may sumigaw sa may tenga ko...
“HOY YSSA MARIE BAKA GUSTO MONG GUMISING. ANDITO NA PO TAYO!” Tang*na, pigilan niyo ko! Di porke’t kaibigan ko yan di ko na yan papatulan!
“Gising na ako! Shet naman kayo guys!” Sabay tayo sa labas ng sasakyan ni Lester. Buti nalang di ako nauntog.
Tapos tatawa-tawa nalang sila.
“BV kayo guys, sarap ng tulog ko eh.” Sambit ko sa kanila. Agad namang lumapit sa amin sina Dominique at tinanong kung bakit sila tumatawa, shempre sinabi nila, ano pa nga ba.
“Okay lang yan Yssa, tara na. Tulungan na kita jan sa dala mo.” Sagot naman ni Calvin.
Kung itatanong niyo kug nasaan kami, nandito kami sa isa sa mga rest house nina Patricia sa Batangas. Shempre, magbabakasyon nalang kami ung mejo malapit na pero maganda. Tsaka yung libre ang place. HAHAHAH.
Winelcome naman kami ng care taker ng rest house nina Patricia. Babalik balik nalang daw siya tuwing umaga para maglinis o di kaya tawagan nalang namin siya kapag may kailangan kami.
“So guys, by partner ang sa rooms. May tiwala naman ako sa inyo na di niyo gagawin ang iniisip ko. diba, Cheska? HAHAHA” Sabi naman ni Patricia sa amin at
“Hoy kapal mo ah!” Depensa naman ni Cheska.
Pero teka. By partners daw eh. Eh halos lahat sila may boyfriend. Wag mong sabihing...
“Hoy Yssa, diba inaantok ka pa? Punta ka na dun sa kwarto niyo ni Calvin! HAHAHA” Sabi ni Jass sa akin at agad namang nagtakbuhan ung apat na babae. Iniwan ung mga boyfriend nila para lang makatakas.
Badtrip. Kami ni Calvin ang magkasama. Eto na nga ba ang sinasabi kong plano nilang masama eh.
“Yssa, tara na dun sa kwarto? ^______________^” At nginitian niya ako.
Okay na sana na magkasama kami sa kwarto. Okay na sana na siya ung magiging kasama ko.
Ang masama lang dun...
Hindi ko alam ang pwedeng mangyari.
Kasi naman...
CRUSH KO ANG LALAKING 'TO. >///////////////////<
BINABASA MO ANG
My Summer Chance || COMPLETE
Romance[COMPLETE] "Hindi naman natin yun masasabi eh. Sabi nga nila, huwag tayong magsalita ng tapos." - Yssa Francisco My Love Chance Book 2.