A/N: Baka mapost ko din ung Chapter 5 mamaya. Ang kulit kasi ng friend ko, hayok sa french fries, di tuloy ako makapagtype ng ayos. HAHAHAHA. :>>>
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
C H A P T E R 4
AWKWARD.
Yan yung naramdaman ko after nung sunset spiel namin ni Calvin. Ewan ko pero ang weird kasi nung sinabi niya.
Hindi ko alam kung sinasabi niya lang yun dahil nanunuod kami ng sunset or ako ung gusto niyang makasama hanggang sa tumanda siya.
Ayoko namang mag-feeling no.
Masaktan pa ulit ako.
Hindi bale nalang.
Pati sa dinner namin, nakaramdam ako ng awkward atmosphere.
Hindi ko kasi talaga mapigilan.
Ayoko naman kasing magfeeling na may gusto din siya sa akin.
Ano baaaaaaaaah! -_________-
At dumating ang oras para matulog kami.
Kanina pa ako nakapagbihis. After ng dinner namin, umalis na agad ako. Di ko na sila inintay matapos. Agad na akong nagpunta ng kwarto para magbihis. Nafeel niyo ba ung pagkahiya ko talaga? :|
Hindi ko alam kung nahihiya ako or ano, basta ang weird ng feeling ko.
Nung naramdaman kong may humawak sa door knob, nagtalukbong na ako ng kumot. Sa kama naman kasi ako matutulog diba? tapos siya, dun sa may sofa bed kaya okay lang na mauna akong matulog. Hahaha!
“Yssa?” Tawag niya sa akin. Tapos naramdaman kong umupo siya sa may dulo ng bed. Hinawakan niya ung sa may binti ko.
Shit. Kuryente.
“Tulog ka na agad? Bilis ah.” Tapos tumayo na siya nun at dumiretso na siya sa banyo.
Shemay, di ko naman siya pwedeng iwasan ng buong pagsstay namin dito. -______-
Bahala na nga, sana lang maging okay na ung ewan na feeling na nararamdaman ko bukas.
Night 2, parang kagabi lang, wala ding nangyari.
Nang magising ako, wala na si Calvin dun sa sofa bed. Nakaayos na din ung mga unan at kumot na ginamit niya.
8.00am na pala. May balak nga pala kami ngayong puntahan ung isang island dito sa lugar. Wala lang, magsscuba diving daw kasi si Patricia. Pero dahil ayaw niya mag-isa, idadamay na din niya kami sa pagpunta nila dun ng boyfriend niya.
Agad na naman akong bumangon, naligo at nagbihis. Pagbaba ko, wala pa ung iba.
Sabi ni Alan, nagbibihis na din daw. Buti nalang daw at nagising na ako, ipapagising pa daw dapat ako aky Calvin eh. BUTI NALANG.
Mga 8.30am na din kami nagpunta sa island. Meron naman kaming kasamang Kuya na sasamahan kami don hanggang sa paguwi namin.
Mejo wala na din ung awkward atmosphere na nabuo kahapon.
Si Calvin na naman ang katabi ko.
Shempre, kami lang naman ang single dito eh. Hahah!
“Huy, bat ang aga mong natulog kagabi?” Tanong niya sa akin habang nagkukuha ako ng pictures.
“Ah? Wa-wala, napagod lang ako kagabi.”
“Napagod kakakuha ng pictures?” Tanong niya ulit.
Ngumiti nalang ako bilang sagot.
Makalipas ang trenta minutos, nakarating na din kami sa isla. At grabe, ang ganda niya. May malaking bato pa, tas may mga puno din naman, white sand pa. Bongga talaga maghanap ng lugar tong si Patricia eh.
“Oh guys, may magdadala ng food natin mamaya. Gala muna kayo. Ingat lang kayo kasi mejo mabato dito tas kakaulan lang nung isang araw kaya mejo madulas pa. Ingat lang. :)” Sabi ni Patricia sa amin, at agad na silang umalis ni Lester para magscuba diving.
“Yssa, alis muna kami ni Francis, lilibot lang kami.” Sus Cheska. If I know. Hahaha!
“Kami din Yssa!” Sigaw naman ni Jass sa akin. Nakalayas na eh, mapipigilan ko pa ba?
Sina Dominique pala at Enzo, kasama nina Patricia na magscuba. Gusto naman daw kasi maexperience ni Enzo bago siya umalis ulit ng bansa.
“Hmmm. Mukhang tayo na naman ang magkasama ah?” Sabi sa akin ni Calvin at tumabi sa akin sa may buhanginan.
“Oo nga, palibhasa kasi sila couples eh. Hayaan na.”
Katahimikan.
“Yssa...”
“Hmmn?”
“Iniiwasan mo ba ako?” Nagulat ako sa tanong niya. Napansin niya agad un?
“Ha? Hindi ah. Bakit mo naman natanong?”
“Wala naman. Pakirmadam ko lang.”
“Hahaha! Buang ka Calvin. Kung anu-ano nararamdaman mo.” Sabay tawa ko ulit sa kanya.
“Oo nga eh, iba na nga ung nararamdaman ko... para sa'yo.” Ano daw ulit? Di ko narinig ung huli niyang sinabi eh.
“Ano?” Parang nagulat pa siya nung tinanong ko kung ano ung sinabi niya.
“Wa-wala wala. Tara na nga. Swimming tayo. Mamaya ka na magpaka-photographer jan.” Tapos hinila niya ako patayo.
Kuryente.
Wala na naman akong nagawa kaya sumama na din ako sa kanyang magswimming.
Pero iba talaga ung feeling ko ngayon eh.
Parang may mangyayareng unexpected.
BINABASA MO ANG
My Summer Chance || COMPLETE
Romance[COMPLETE] "Hindi naman natin yun masasabi eh. Sabi nga nila, huwag tayong magsalita ng tapos." - Yssa Francisco My Love Chance Book 2.