(Dedicated sa isang active liker. LOL hahahaha. Nagsuggest sya ng names kaya dinedicate ko 'to. Though hindi ko alam kung nakuha ko nga yung name na suggest nya XD)
---------
Two days after. Sasabihin na ni Mam yung result ng test. Ang tagal no?
Well, si Mam Villarosa kasi yung head ng Science Department kaya minsan lang sya makapagklase samin. Yung minsan pa na yun, may quiz -_-
Eto na nga, sinasabi nya na yung scores. Out of 50 items, ilan kaya ako?
"Levana Maxwell, 49"
"Margaux Keisha Ulysses, 48"
"Leviasha Torregeza, 45"
"Priscilla Laxamana, 45"
"Reigne Marzielle Rosstel, 43"
Wow. Sila ang mga friends ko. Ang taas *O*
Bakit nga ba hindi? Eh sila lang naman ang top honor students dito sa school namin. And obvious naman sa names nila na mayayaman sila. Mga presidents ng companies, kung hindi man, lawyers. High class talaga. Hindi ko rin alam kung bakit naging kaibigan nila ang isang Maxine Alcala na galing sa pamilya ng mga entrepreneur lang, compared sa kanila eh lamang talaga sila.
Ako nalang hindi pa natatawag.. Ang tagal naman ninenerbyos nako dito ah.
"And lastly, Maxine Alcala,
with the perfect score, 50! Congratulations!" -Mam Villarosa
Ako? O______O
Nagpalakpakan silang lahat. Ako talaga? Yees!! \^o^/
Tumayo na ko at pumunta sa harap. Kinuha ko yung papel ko kay Mam at nagpasalamat. Hindi makapaniwalang ini-scan ko yun kung mali lang talaga ng bilang. Puro checks! O__O
Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko. Panay ang "Congrats" nila sakin. Di ko naman masagot kasi di talaga ako makapaniwala eh :P
Ayun. Habang busy ako sa pagsasaya ko (sa utak lang), nagsalita ng nagsalita lang si Mam sa harap. Hindi naman lesson eh, short chit-chat lang tungkol sa kung ano-ano. Yun naman ang maganda dito sa subject na 'to, kada pagtapos ng test walang discussion, free day lang. Tapos next day, meron ng new topic.
Ilang saglit pa, nagring na ang bell. Recess na! Niligpit ko yung gamit ko na nakakalat sa desk ko.
"Bestie! Congrats! Na-perfect mo yung test na yun! Buti kapa!" -Reigne
Andito na pala si Reigne sa harap ko. Nakangiti na parang walang bukas.
"Makapagsalita parang ang layo ng score mo sakin ah" -Ako
"Para sakin malayo na ang 43 sa 50. Wag ka nga dyan!" -Reigne
Natawa ako sa ugali nya. Hahaha.
Kasi naman, ang laking tao isip-bata. Baliw lang. Minsan nga daw napapagalitan sya ng mama nya dahil di daw kumikilos na pang dalaga.
Well, sa kanilang lahat, sya ang mas close ko. Simula bata kasi friends na kami. Dahil dun, nagtayo ng business yung parents namin para daw samin sa future.
Lumapit pa kami sa iba naming kaibigan. Nasa isang side na pala sila ng room, dun sa seat nila Leviasha at Priscilla. Parang inaawat nila yung dalawa kase mag-aaway.
"Nakakainis naman! Bakit pareho tayo ng score? Pano na yung deal?"
Narinig kong sabi ni Priscilla nung puntahan namin.
"Hoy anong dinadrama mo dyan?" -Ako
Sabi sa inyo masungit ako eh. Ice lang naman daw sa kanila eh. Yaan na.