"Konti nalang! Ang bilis! Oh My God! Takbo pa dali!! Ayan na! Aish" -Ako
Nakaupo ako sa lupa pero nakalilim sa puno. Wala pa kasing next class kaya tumambay muna ako dito. Yung barkada, ewan ko kung saan napadpad. Hahaha.
At kaya ako sumisigaw ay dahil nalaglag ako sa butas ng tulay. Not literally ah. What I mean na nalaglag ay yung si Scarlet Fox, yung girl character sa Temple Run. Hahahaha. Nakakafrustrate kasi maglaro eh! Malapit ko ma-beat yung sarili kong high score. Hahahaha.
"Bulaga!"
"Ay butiking nagulat!" -gulat na sigaw ko.
Sa sobrang gulat ko, nabitawan ko yung cellphone ko at tumalon sa kung saan. Kung sino man ang nanggulat sakin, makakatikim talaga sya ng batok sakin =_=
"Pffft. HAHAHAHAHA! What the heck, Max? Ang ganda ng expression mo. hahahaha!" -Sabi ng walangyang nanggulat sakin.
Handa na sana yung kamay ko mambatok dun sa taong bwisit. Nasa likod ko kasi sya kaya dahan-dahan akong humarap. Paglingon ko, biglang umurong yung kamay ko at nahiya. Tinago ko nalang yung kamay ko.
"Bwisit ka talagang Rabbit ka! Malapit ko na mabeat yung high score eh! Leche!" -ako
Sino nga ba yung rabbit? Sino pa ba? eh di si Timothy po. -____-
Ang walangya, tawa lang ng tawa na akala mo sobrang nakakatawa ng nangyare! Bahala sya sa buhay nya. Kesa naman titigan ko lang syang tumawa ng tumawa, kahit na cute pa sya tumawa, wala akong pakialam. Mahanap na nga lang yung cellphone ko. Saan ba napadpad yun?
Lumayo ako ng konti kay Rabbit para hanapin yung phone ko. Tumalon pa kasi yung bwisit na cellphone na yun eh, ano feeling nya palaka sya? Tss -_-
"O-oy Max! Sorry na. hahahahahaha" -Timothy
"Tama na pero tumatawa pa. Tss. Diyan ka na nga" -Ako
Mas lumayo pa ako sa kanya. Asan na ba kasi yung cellphone ko? Tsk. Medyo mahaba kasi yung mga damo dito kaya ang hirap maghanap.
"Sorry na. Pipigilan ko na. Dali dito kay na Max" -sabi ni Timothy habang nagpipigil ng tawa.
"Whatever. Kahit crush kita, bahala ka sa buhay mo" -bulong ko
Hahahaha. Oo na, alam ko talagang may crush na ako sa kanya. Pero hindi ko sasabihin. Attracted ako sa kanya, yun ang alam ko.
"Ano? May sinasabi kaba? Tara nga dito ka na" -sabi ni Timothy
"Wala akong sinabi. Tss." -Ako
"Oy dito kana, ano ba ginagawa mo?" -tanong nya
"Hinahanap ko lang naman yung cellphone ko na tumalon dahil ginulat mo" -badtrip na sabi ko sabay irap sa hangin.
"Ohh.. pfft.. *tinignan ko sya ng masama* okay sorry hindi na. Ehem! Saan ba napunta?" -sabi nya
Alam ko kasing tatawa sya kaya sinamaan ko na ng tingin.
"Sa bulsa ko napunta kaya dito ako naghahanap. Tss. Syempre dito, kaya nga andito ako eh" -pabalang na sagot ko.
Bigla syang nagpout sa sinabi ko. Tae wag kang ganyan! Ang cute nya pagpout >/////<
Tumayo sya doon sa tabi ng puno at lumapit sa akin. Bigla nyang nilabas yung cellphone nya.
"Oh, anong gagawin ko dyan? Dyan mo ako paglalaruin ng Temple Run?" -curious na tanong ko.
Aba't ang loko. Bigla ba naman akong tinawanan. May masama ba sa sinabi ko?
"Ang cute mo talaga Maxine! Hahaha. Para mahanap mo yung phone mo, ilagay mo yung number mo dito sa phone ko at tawagan mo. Pag nagring dun natin malalaman kung nasan. Okay? Hahahaha. Kung ano ano iniisip mo eh" -Timothy