Chapter 6- Basketball Activity (The Plan)

262 6 0
                                    

ANNGGGG MAAAALLLLLLLAAAAASSSSS KKKOOOO!!!

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Patingin tingin pa sa paligid si Timothy na parang may hinahanap. Oo, may hinahanap nga. Hinahanap yung mga kagrupo nya, hinahanap kami.

BAKIT KO SYA KAGRUPO?!! Di ba pwedeng sa iba nalang sya? Hindi pa ako nakakarecover sa kahihiyan eh.

“Timothy! Over here!” –Reigne na winawagayway ang kamay.

Ay walang hiya kong kaibigan. Tinawag pa sya. Sinamaan ko ng tingin si Reigne para malaman nyang hindi magandang ideya ang pagawag kay Timohy. Pero ngumiti lang sya at nagpeace sign pa -_-

“Kayo pala yung kagrupo ko. Nice!” –Timothy

Nakalapit na pala sya samin. Ang kausap nya ngayon ay si Reigne.

“Oo! It was great! Masaya kaya magsurvey ng mga varsity players, ang cute kasi nila eh. Hihi.. diba Charmy?” -Reigne sabay siko sakin ng mahina.

"H-ha? A-ah.. a-no.. Ewan.. Wala akong pakialam sa mga players" -Sinusubukan kong maging normal at hindi halatang kinakabahan.

Napakunot noo na tumingin sakin si Timothy na parang may mali sakin. Wag sana nyang mahalata na meron nga..

"T-tingin ka?" -Ako

"Hahaha! Wala! Akala ko kung anong problema mo eh haha" -Timothy na ngumiti ng kaunti.

Ang cute nya ngumiti. Aish! Ano ba 'tong sinasabi ko? >///<

"A-ako ba ang may problema o ikaw? P-para kang baliw dyan kakatawa" -Ako

"Eh bakit ka nauutal? Nabuhol ba dila mo?" -Timothy

Magsasalita pa sana ako nung biglang umepal na si Reigne. Buti naman kasi mahirap nga talagang magsalita.

"Ahh.. ano.. pabayaan mo sya. Ganyan talaga yang si Charmy, lalo na kapag ikaw yung------" -Hindi nya na natapos yung sasabihin nya kasi tinakpan ko na yung bibig nya.

Walangyang 'to, akala ko sasaluhin ako, pinahamak pa pala ko =_=

"Ha? Ano? Anong ako?" -Timothy

"W-wala yun. Iba yung sinabi nya. Basta wala yun! Tara dun na nga tayo sa ibang kaklase natin, parang nag-uusap na sila eh.." -Ako

Tumango tango nalang sya at saka naglakad palayo. Inalis ko narin yung pagkatakip ko sa bibig ni Reigne sabay batok sa kanya.

"Aray ko naman! Ang mean mo talaga Maxine! *puots*" -Reigne

"Hindi ko naman gagawin yun kung maayos yung sasabihin mo eh. Umayos ka nga pwede?" -Ako

"Eh bakit totoo naman ah? Nauutal ka pag tungkol sa kanya. Bakit nga ba? Atsaka bakit ka ba nagagalit nung malaman mong kasama natin sya?" -Reigne

"Eh kasi nga nahihiya pa rin ako! Hindi ako makaget over eh" -Ako

"Bakit ka ba nahihiya? Kasi namula ka nung sinabihan kang cute? Gosh Charmy, walang sense yun!" -Reigne na medyo seryoso na.

Napayuko ako sa sinabi nya. Medyo.. tama sya. Nakakahiya kasi nung nakita nyang namula ako eh. Tuloy ang awkward na makipag-usap sa kanya kasi lagi kong naaalala yun.

 "Oh diba tama ako? Okay lang yan, Charmy. Normal lang naman yan kasi teenager ka ano. Wag kana mag-emote dyan. Haayyy.. ang bestfirend ko ay nagdadalaga na! Hahaha." -Reigne

"Anong ibig mong sabihin?" -Ako, kasi wala talaga akong nagets doon sa sinabi nya.

"Wala~ haha! And last na pala. Isipin mo nalang na for the sake of grade kaya ka makikisama kay Timothy. Kalimutan mo muna yung nangyari kanina at mag-focus sa activity. Okay? heer up, Charmy!" -Reigne

Buhay Ng Isang TeenagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon