"Samahan mo na ako, Charmyyyyy~"
Sino pa bang tatawag sakin ng ganun? syempre si Reigne lang. Nagpapasama sya sakin na pumunta sa isang second year section para kunin yung activity na gagawin ng section na yun para sa upcoming School Festival. Busy nanaman kaming mga SSC officers. Ako tapos ko na yung pinagawa sakin.
"Kaya mo na yan, malaki ka na" -pagbabaliwala ko
Nagbabasa kasi ako ng libro dito. Maiintindihan mo ba yung binabasa mo kung naglalakad ka? Hindi syempre -_-
"Ehhh~ ayoko mag-isa. Dali na kasiii~ sandali lang naman yun eh" -pangungulit nya.
Malakas ko namang sinarado yung libro at humarap sa kanya.
"Ayoko nga! Kulet! Kaya mo naman mag-isa yun diba?" -asar na sabi ko.
Humarap muli ako sa libro at pinagpatuloy ang pagbabasa. Narinig ko pa syang nag-"Psh" pero hindi ko na sya pinansin.
"Hindi ka talaga sasama?" -Tanong nya.
Parang may bakas ng pananakot sa boses nya pero hinayaan ko nalang muna.
"Okay. May mga madadaanan naman akong mga kaklase natin sa daan eh. Siguro pwede akong makipagkwentuhan sa kanila. You know? Sabihan ng..... secrets" -Mabagal na sabi nya.
This time, nakuha na nya yung atensyon ko. Since nasa harapan ko lang sya at natatakpan lang ng libro, ibinaba ko nalang yun para makita yung mukha nyang nang-aasar. Argh! Nagsisisi talaga ako na sa kanya ko sinabi yon. -_-
Sinarado ko yung librong binabasa ko at iniwan sa desk ko saka tumayo ng maayos. Nakita ko namang napangiti sya sa ginawa ko at dumiretso sa ginawa ko.
"Susunod ka naman pala eh. Hihihi" -tuwang tuwang sabi nya.
Umirap nalang ako sa kawalan at saka nagsimulang maglakad. Nagmamadali naman siyang sumunod sakin. Habang naglalakad kami, hindi sya nauubusan ng kwento na para bang hindi kami magkasama araw-araw. Akala nya siguro nakikinig ako, hindi naman. Hahahaha. Diretso lang yung tingin ko na parang hindi nya ako kinakausap. Nung sa wakas nakarating na kami sa pupuntahan namin, kumatok sya sa room at may nagbukas ng ilang saglit. Wala palang teacher kaya ang ingay nila.
Ngumiti naman si Reigne at nakipag-usap sa Class President ng section na 'to, which happens to be Reigne's ultimate fanboy. Paano ko nalaman? bigla ba namang mamula sa harap ni Reigne, with matching utal-utal pa sa pagsasalita. Hahahaha.
Lumayo ako ng konti at naghanap ng pwedeng paghintayan sa kanila. Mukhang matagal pa kasi yun eh. Ayun! May nakita akong bench na medyo malayo pero tanaw pa rin yung room na pinuntahan namin. Umupo nalang ako doon at pinagmasdan sila.
Hindi naman nakakapagtaka kung may mga nagkakagusto kay Reigne ano. Maganda sya, childish lang minsan. Actually lahat silang kaibigan ko. Perfect Catch nga eh, ako lang talaga hindi. Siguro dahil iba ako sa kanila. Hindi ako friendly, sila nga lang kaibigan ko eh. Tsaka siguro dahil na rin sa strong personality ko pati yung pang maldita na appeal ko. Ganito ako simula bata pa eh, hindi ko na mababago yun.
Narinig kong tinatawag na ako ni Reigne kaya tumayo na ako at lumapit sa kanya. Nagchikahan pa pala sila kaya tumagal ng ganoon. Biniro ko nga sya kung niligawan na ba sya, aba ang loka tumawa lang. Studies first daw muna sya. Asus hahahaha.
Nakarating na kami sa room. Dumiretso agad ako sa upuan ko at iniwan sya para basahin yung libro pero laking gulat ko ng wala akong nakitang libro doon sa desk. Hala! Sisigaw na sana ako nang may nagsalita sa likod ko.
"Romance novel? Seriously Maxine? Marunong ka pala magbasa ng ganito?"
Hinarap ko naman yung nagsalita pero nadisappoint lang ako. Si Yex lang pala, na hawak hawak yung librong hinahanap ko. Take note the smirk on his lips.
"Whatever. Akin na yan" -kalmadong sabi ko.
Tumawa sya ng mahina at inilayo sakin yung libro, nang-aasar nanaman. Binuksan nya yon at nagbasa ng isang page na binuklat nya lang.
"Bwisit ka talaga ano? Akin na nga yan!" -asar na sabi ko sabay hablot sa libro pero nilayo nya.
"Oops! Di na uubra yan! Hahahaha. Nakakagulat talaga na ang cold girl ng school ay nagbabasa ng mga nakakakilig na kwento. Hahaha" -Panunukso nya with matching acting pa.
Alam nyo ginawa nya? Para syang babaing kinikilig. Eew. So gay.
"So gay. Akin na yan!" -sabi ko
"Ako? gay? Sa gwapo kong 'to?" -tanong nya
Umakto naman akong nagtataka at parang may hinahanap.
"Gwapo? Nasaan?" -pagkukunwari ko na may palingon lingon pa sa paligid.
Nakita ko naman na sumimangot sya. Hahahaha! Pinagpatuloy ko lang yung paglingon lingon ko at nahagip ng mata ko ang tunay na gwapo, naglalakad papalapit. I mean, siguro sa paningin ko lang. Ugh. I hate being corny.
"Tsk. Hindi talaga tatalab ang charms ko sayo kung andyan sya ano? Hahaha" -sabi ni Yex
Natigil naman ako sa pagpapantasya (ew pakinggan sa part ko) dahil sa sinabi ni Yex. Tumingin ako sa kanya at nakitang nakaharap sya kay Timothy. It's my chance! Mabilis kong hinawakan yung libro at hahatakin na sana pero nakaramdam ata sya. Shems! It's happening again! Inilayo nya yung libro sakin dahil para mawalan nanaman ako ng balance. At kagaya ng dati, hinihintay ko nalang na lapitan ko yung lupa. Napapikit nalang ako.
Ang tagal, in fairness. Parang may maramdaman akong kamay na mahigpit na nakahawak sa balikat ko. Dumilat ako at bumungad sakin ang mukha ng nakaluhod na si Timothy at yung kamay nyang nakasuporta sa balikat ko para hindi ako bumagsak. Napaluhod narin ako, dala ng gulat at kaba. Bakit ako kinakabahan? Hindi ko na alam. Ang alam ko lang, nakatitig ako sa kanya, ganun din ang mga mata nyang puno ng pag-aalala. Yung.... yung... puso ko. Nalaglag na ata. Yung dila ko nalunok ko na ata.
"Woah! A perfect example of a Fairytale Love story, eh?" -sabi ni Yex
For the first time, gusto kong pasalamatan si Yex dahil pinutol nya yung hypnotism sa mata ni Timothy. Inayos ko muna yung utak ko at saka tumayo. Inalalayan parin naman ako ni Timothy.
"Okay ka lang?" -tanong ni Timothy
Tumungo ako kahit hindi ako nakalingon sa kanya. Baka kasi mahypnotize nanaman ako. Tumingin ako ng masama kay Yex ng makitang nakangisi sya.
"Dude, bakit mo naman ginanoon si Max?" -tanong ni Timothy kay Yex
"Wala lang. Hahaha. Would you believe na si Maxine ay nagbabasa ng mga romance novels?" -natatawang sabi ni Yex.
Peste 'to sinabi pa! Kinakabahan naman ako sa sasabihin ni Timothy. Ewan ko ba pero feeling ko importante talaga yung magiging reaction nya. Aish. Ano bang nangyayari sakin? Tumingin muna sakin si Timothy bago sumagot.
"Really? Nice. Isn't it normal since all girls loved to have their own fairytale? Maxine is just a random girl so it's very common. She's just like those princesses in the story. The one who is beautiful, charming, and.. Ms. Misfortune who needed someone to protect her." -seryosong sabi ni Timothy kay Yex
I. Am. Speechless. Akala ko naman kung ano yung sasabihin nya. And it is just my first time hearing those words to describe me.
Oh God. Timothy, please... don't be like that.
"So.. Am I the antagonist here? I think I am. Hahaha" -Yex
Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nya. Nakaharap lang ako kay Timothy na ngayon ay nakangiti sakin.
And it's official. I think. I'm starting to develop my feelings for him. Oh my.
----------------
Pinipilit ko talagang maging nakakatuwa yan, mianhae~~ :3
Hello! May nagbabasa po ba? LOL