Chapter 5- Basketball Activity

248 6 10
                                    

A/N: Ako ay humihingi ng inyong kapatawaran sa aking matagal na pagdagdag ng panibagong kabata sa istoryang ito. Ito ay sa kadahilanang ako ay nakaranas ng pagkablangko sa aking isip para sa susunod na mangyayari. Nawa ito ay inyong maunawaan :D

---------------

*PE Class, Continuation ng previous chapter*

Andito kami sa gym at nakaPE Uniform. Siguro kasi PE ang subject ngayon -_-

Nakaupo kaming lahat sa sahig at naghihintay sa teacher.

"Charmy, Sorry na... please?" -Reigne na nakahawak pa sa braso ko at niyuyugyog ito.

"Eeww.. tigilan mo nga yang Charmy, nakakadiri" -poker face na sabi ko.

Bakit nga ba sya nagsosorry? Nabasa nyo naman yung last chapter diba? Ang mga siraulo, pinagplanuhan pala yung nangyari!

Ganito kasi yun. Nalaman pala nila yung Mr. Rabbit at Ms. Clumsy thing, kaya pinagpustahan nila Leviasha at Priscilla kung close nga daw ba talaga kami ni Timothy. Kaya nung nalaglag nga yung ballpen, kinuha ni Margaux at sinabing doon nga napunta kay Timothy. Andun sila THE WHOLE TIME na hinahanap namin yung ballpen =_=

"Ang cute kaya! Sorry na, hindi namin sinasadya. Hoy tulungan nyo naman ako mag sorry dito!" -Reigne na humihingi ng tulong sa iba.

"Sorry na Max, ayaw mo ba nun? Mas lalo kayong naging close sa isa't-isa?" -Margaux

Tinignan ko sya ng masama. Masaya bang tignan yung nangyari? Hiyang hiya nga ako kay Timothy eh!

"Masaya bang tignan yun ha?! Hiyang hiya ako kay Timothy dahil dun! Mga walang hiya kayo!" -Galit kong sabi.

Promise nakakahiya talaga. Naghanap pa kami eh hindi naman talaga namin yung mahahanap. Hanggang kanina nga hindi ko pa sya pinapansin kasi nahihiya talaga ako.

"Anong nakakahiya dun? Ang CUTE mo kaya! Ang CUTE nyong dalawa!" -Nang-aasar na sabi ni Leviasha

Naalala ko nanaman yung Cute na yan >///<

"Isa pang satsat babatukan talaga kita Leviasha! Ewan ko sa inyo! Dun na nga kayo!" -Ako na pinapaalis sila.

Tinakpan ko na yung tenga ko at medyo lumayo sa kanila. Naiirita ako eh. Naiinis parin ako sa sobrang kahihiyan >_<

Mabuti nalang at dumating na yung teacher. Binati na namin sya at vice versa.

"Okay, the game that we're about to discuss is....... BASKETBALL" -Sir Quizon

Oh great. =_= Basketball lang naman ang game na favorite ko. Please note the sarcasm there.

"The basketball is blah blah blah blah....." -Sir Quizon

Hindi na ako nakikinig pero nakatingin ako sa teacher. Kasi naman, hindi talaga ako marunong sa ganyan eh. Kahit anong turo sa akin, hindi ako matuto. Tsaka masyado akong weak kaya hindi ako marunong magshoot ng bola. Wala akong magagawa kung ayaw sakin ng basketball.

"Ms. Alcala!" -Sir Quizon

Napabalik ako sa katinuan ng tawagin ang pangalan ko.

"Yes Sir!" -Ako

Parang tunog ng sa army yung pagkakasabi ko. Natawa tuloy mga kaklase ko. Tsk! Ang dami ko kasing kinukwento eh :P

"Are you listening to me?" -Sir Quizon

"Uhh Yes Sir" -Ako

"Really? Then can you please repeat what is the definition of basketball?" -Sir Quizon

"Basketball is *Inulit yung sinabi ni Sir*" -Ako

Kala mo ha? Actually hindi talaga ako nakinig, nag-advance reading lang ako dahil ito nga yung next na topic. Oo, dinaan ko lang sa academics at hindi sa physical :P

Buhay Ng Isang TeenagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon