♥ MI 6- New Friend

74 5 3
                                    


Meron na pong group sa FACEBOOK ang Mission Impossible:Forget Him [KN] .. Join our group . :]

Sorry po kung wala PA yung kathniel moments :) Hintay lang xD darating din yan :D

Para kay chewy mikay ! ;) Thanks sa support! :-*

-----

Chapter 6-New Friend

Lyka's POV:

Nandito ako ngayon sa quadrangle ng school. Hinihintay ko lang yung barkada ko dito. Nauna na kasi ako sa kanila na lumabas ng room. Well, uwian na kasi tapos nakatulog si Trexie sa desk niya, could you imagine that!? Hahaha. Si Karen naman may tinatapos pa na lecture tapos si Cheska kasabay ko lumabas ng room kanina pero may dinaanan pa raw sa library and si Chloe, madami raw tao, ayaw niya makipag siksikan. Psh.

Kinuha ko muna yung notebook ko na lagi kong sinusulatan ng kung ano ano pag bored ako.. Biglang sumagi sa isip ko nung time na una kong nakita si Blake. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, laging kung anu ano yung naiisip ko kapag mag isa ako. Argghhh!

*FLASHBACK*

Time setting: 2nd year Highschool. (June)

3rd week na yung dumaan mula nung pasukan..

Masaya naman pala mag aral dito. Well, hindi naman lahat ng tao dito eh may ugaling as I expected. Siyempre transferee ako eh. Wala pang alam sa environment.

Umupo muna ako dito sa may quadrangle (gym ng school).. Break time na rin naman kasi and malapit lang ito sa room namin.

"Hi Lyka!" sigaw ni Karen sa kabilang part ng quadrangle habang papalapit sa akin.

"Oy! Nasaan yung iba?" tanong ko sa kanya.

"Papunta pa lang dito. Uhm si Marco ayun oh, nag papraktis ng basketball." Sagot ni Karen habang tinuturo si Marco.

"Ah oo nga no? Haha. Teka parang bago si number 9? Pero parang familiar din?" sabi ko at na lock yung mga mata ko sa lalaking may jersey number 9.

"Ah. Transferee din yan, late enrolee. Ang angas nga raw eh sabi ni Marco." sabi ni Karen habang nilalabas yung miryenda na pinabaon pa raw sa kanya ng daddy niya. Pffft-hahaha! Daddy's girl here! Wala namang masama dun. Hehehe.

Lumapit naman sa amin sila Marco. Kasama niya yung boy na si number 9.

Shemss ang pogiii! Hahaha. Pogi talaga niya! Papalapit sila ng papalapit tapos papogi rin siya ng papogi. Alam niyo yung feeling na parang nag slowmo tapos parang It' all about me and him? Hahaha. Ako na OA.

Pero parang kasi kilala ko siya. Kasi parang pamilyar yung nangyayari ngayon sa puso ko. Oh baka dahil kamukha niya lang yung ultimate crush ko na si Daniel Padilla? OMG. Hahaha.

"Hoy Lyka gising!!" sigaw ni Marco habang inuuga ako.

Hindi ko namalayan na natulala pala ako dahil kay number 9 na naka alis na pala. Nakakahiya!

"Ay sorry sorry. Hahahaha" I stated, then I bit my lower lip.

*End of FLASHBACK*

Mission Impossible: Forget Him[KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon