♥ MI 15- Ligaw

23 1 0
                                    

Chapter 15

Blake's POV

Naipasa ko na last week yung project namin ni Lyka.

Mula nung araw na yon, ginusto ko nang mapalapit kay Lyka.

Katulad ngayon, hinihintay ko na siya sa labas ng bahay nila since madadaanan naman to papuntang school.

Nakasandal lang ako sa labas ng kotse habang naghihintay.

May lumabas na anghel mula sa gate nila Lyka. Ay pucha si Lyka pala.

"Lyka! Sabay na tayo pumasok?"-tanong ka na ikinagulat niya.

"Ha? Ah uhm..."

"Sasabay na siya iho. Dalian mo na Lyka male-late ka na!"-sabi ng mama niya.

Pinagbuksan ko ng pintuan ang kamahalan.

"Uhm kanina ka pa ba naghihintay?"-tanong ni Lyka sa akin.

"Hindi naman."

"Ah eh ano kasi.."

"Ano yon Lyka?"

"Napapadalas na ata yung pagsabay mo sakin papuntang school. Hindi ako sanay. Hehe."

"Sundo yun Lyka. Hindi pagsabay. Tsaka alam mo dapat masanay ka na. Lagi ko ng gagawin yun sayo."

"Ha? Bakit? Eh hindi naman kai---"

"Gusto kasi kitang ligawan. Sa totoo lang wala akong pake kung ayaw mo. Kasi kahit anong gawin mo, liligawan pa rin kita para mapatunayan ko sa'yong mahal kita."

"Liligawan? Ma-mahal? Agad agad?"

"Hahaha. Opo kamahalan. Liligawan kita. Para sa kaalaman mo, matagal na kitang mahal."

Nakita ko namang napakagat ng labi niya si Lyka tapos tumingin sa ibang direksyon at nagbuntong hininga.

"Hahahahaha! Nakakatawa ka talaga Blake! Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Baliw neto."

"Anak ng tokwa. Hindi ako nagbibiro! Diba mang Ben totoo yun? Diba?"

Tumango naman yung driver namin bilang pag sang ayon.

Ayaw niyang maniwala, pwes patutunayan ko.

Mission Impossible: Forget Him[KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon