♥ MI 14- Siguro

34 1 0
                                    

Chapter 14

Lyka's POV

Painting yung artwork na napili namin. Alam nyo ba na lahat halos ng poster paint binili ni Blake? Para daw hindi na pabalik balik. Ang laki pa man din ng canvass. Tss.

Papunta na kami sa bahay nila Blake para doon gawin yung ipepaint namin.

Pagkapasok ko palang, sinalubong na agad ako ni Sofia, yung sister ni Blake.

"Hi ate! Ohmy! Anong meron? Kayo na ba ni kuya? OMG! Cong--" -hindi natuloy yung pagsasalita ng hyper na si Sofia ng bigla siyang batukan ng kuya niya .

"Gagawin lang namin yung take home activity sira. Ang hyper mo eh no. Tss."

"Kuya ang mean mo! Papuntahin ko kaya si ate Bianca dito para may kakampi ako?" -sagot ni Sofia sabay irap.

"Subukan mo. Lagot ka sa akin."

Okay ako na OP. Nagbabangayan sila habang nasa gitna nila ako. Ginawa ko? Fake cough. Hahaha!

"OMG! Sorry ate Lyka. Come with me."-sabi ni Sofia sabay hila sa akin papunta sa sala. Sumunod naman si Blake.

"So ano na yung ipepaint nyo?" -sofia

"Wala pa nga eh."-ako

"Blank."-Blake

"Hmm.. What if.. Couples na lang? Tutal boy and girl naman kayo. Diba? Dali na! Yun na!" -Sofia

"Tss. Fine. Umalis ka na."-Blake

"Welcome kuya! Napalinis ko na rin kay manang yung garahe. Since malaki yung ipepaint nyo."-Sofia.

Lumapit si Blake kay Sofia tapos kiniss niya ito sa noo. Ang sweet.

"Samahan mo na si Lyka sa garahe, ako na mag bibitbit ng mga gamit."-Blake.

Hindi ko pa pala nabanggit sa inyo na mukang palasyo yung bahay nila. Ang laki promise! Alam niyo yung bahay ni Daniel Padilla? Eh yung kay Kathryn Bernardo? Pagsamahin niyo! Ganun kalaki yung bahay nila Blake.

Iniwan na kami ni Sofia. Actually pinaalis siya ng kuya niya kasi daw magulo siya.

"Bipolar ka talaga." -pahayag ko habang nagsisimula ng magdrawing.

"Ha? Bakit nanaman bey?"

"Ang sungit sungit mo kay Sofia tas magiging sweet tapos masungit ulit."

"Hahaha. Wala naman yun sa kanya. Sanay na yon."

Mission Impossible: Forget Him[KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon