♥ MI 12- (w)

42 2 0
                                    

Chapter 12

Karen's POV

Hinila ko si Quen palabas ng room habang pakiramdam ko natuyo na lahat ng dugo ko sa katawan.

"Long time no see! Nasaan si Kath? Si Kathy? Nabalitaan ko kasi na dito kayo nag aaral kaya pumunta na ako para surprise!" -masayang pahayag ni Quen.

"Ah eh k-kasi a-ano... Kakauwi lang ni k-kathy!"- sagot ko naman. Hoo! oxygen please.

"Ah sige. I'll try na bumalik na lang bukas. See you."

Pagkaalis na pagkaalis ni Quen, dinial ko agad yung number ni Tita Min. Mommy ni Lyka.

"Tita!! Nasaan po kayo? We need to talk po."

[Nasa bahay lang ako iha. Bakit?]

"Sige po pupunta na lan ako."

[Ok iha. Ingat.]

Blake's POV

Nasa loob na kami ng kotse ni Lyka. Sinabi niya yung address nila kay manong. Siya na daw bahala sa dadaanan namin. Magkatabi kami sa likod kaso walang kibuan. Miss na miss ko na yung dating siya.

"Ah uhm.. Musta naman Lyka?" -pagbasag ko sa katahimikan.

"O-okay lang naman." -sagot niya sabay ayos ng glasses niya tapos kagat sa lower lip niya. Parang kinakabahan siya na naiilang.

"So... Pwede ka ba bukas? Since saturday naman." -tumaas ang kilay niya pagkasabi ko non.

"I-i mean, para gawin yung pinaactivity ni maam kanina di-diba?"-natatarantang sabi ko.

"Ah. Sige. Pwede ako bukas. Sa monday na yung pasahan nung pinagawa ni mam diba?" -sagot ni Lyka.

Tumango tango na lang ako kay Lyka tapos ngumiti. Nang mapansin  ko na may madadaanan kaming park.

"Manong pakihinto po muna diyan sa may park. Saglit lang po."-sabi ko kay manong. Hininto niya naman ang kotse gaya ng sabi ko sa tapat ng park.

"Tara Lyka kain muna tayo. Sandali lang to." -pagyayaya ko kay Lyka. Ngumiti naman siya tapos bumaba na ng kotse.

Dinala ko siya agad sa may mga street foods. Tatanungin ko pa lang siya kung kumakain ba siya ng ganon ng biglang...

"Kyaaaah!!! Kwek kwek!!! Fish balls!! Uy pautang Blake." -pahayag niya na garang kumikinang yung mata.

Mission Impossible: Forget Him[KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon