♥ MI 7- The Band

65 1 0
                                    

Dedicated po kay littlemissselle :) Super fan po ako ng story niyo na My Black Guy ^_^ Mahal ko na nga si Clifford eh. Hahaha ! Idol! ;)

Chapter 7-The band

"Don't assume.. Unless it was stated."

Chloe's POV:

Grabeeeee!! Hindi ko matake yung Calvin na yun! Gosh, sabihin na nating hindi ako painagpala sa height pero kailangan ba talagang ipamukha niya sa akin yun?? Nakaka stress!

Naalaala ko tuloy yung kababata ko sa kanya na lagi rin akong inaasar na pandak dati.

*Flashback*

~~Sasara ang bulaklak bubuka ang bulaklak,

Papasok ang reyna, sasayaw ng chacha..

Bumtiyaya bumtiyaya bumyeye!

Bumtiyaya bumtiyaya bumyeye!

~~

Naglalakad ako mag isa dito sa mini park ng subdivision namin habang nag ha-hop at kumakanta.. Wala naman akong masyadong friends kasi panget daw ako. Ayaw makipaglaro sa akin ng girls kasi tomboy daw ako. Hindi naman ako lumalapit sa boys kasi baka ibully lang nila ako. Naka malaking tshirt ako lagi tapos shorts naang lalaki tapos laging naka bull cap.

Habang naglilibot ako, may nakita akong mga flower.. Wow! Ang beautiful! Nag tatatalon ako maabot lang yung flower pero hindi ko maabot.

"Huhuhuhu! Bakit ba hindi kita maabot? Pati ba naman ikaw ayaw sa akin? Whaaaaa!!" -Umiiyak at sumisigaw kong pahayag sa bulaklak na hindi ko maabot abot. Ang taas naman kasi eh!!

"Hahaha!! Hindi maabot nung panget yung bulaklak!! Kawawa naman!! Nyenyenyenyenye!!"- Pang aasar ng grupo ng mga lalaki pati babae na kasing edad ko na naging dahilan para mas umiyak ako ng mas malakas.

Hanggang sa dumating yung payatot na bata.

"Hoy wag niyo nga siyang awayin!! Isususumbong ko kayo sa tatay kong pulis!!" -Sabi niya sa mga batang nang aaway sa akin na nagsitakbuhan na.

"S-salamat." -Yan lang yung mga salita na namutawi ko sa batang lalaki.

"Hahahaha! Bakit ba hindi mo maabot yung flower eh ang baba na nga lang? Hahah! Pandak!"- Tss. Mang aasar din naman pala to!!

"Katulad ka din nila? Bad ka din? *sniff* pa-payatot!!!"-Sabi ko sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit at tinanggal yung cap ko. Tapos, inipit niya sa tenga ko yung bulaklak na gusto kong abutin kanina. Astig! Paano niya naabot kaagad yun? Madaya.

Mula noon, naging magkaibigan na kami. Lagi niya nga lang akong inaasar na pandak. Pero ayos lang payatot naman siya eh. Hahaha!

Hanggang sa lumipat sila ng bahay kaya mula noon hindi ko na siya nakita.

*End of Flashback*

7 years old ako nung nakilala ko siya sa park. 8 years old ako nung nagkahiwalay kami. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita ulit. Popoy yung tawag ko sa kanya noon.

Teka, back to Calvin the second payatot.. Mabait naman siya.. Type na type ko nga yung......

Mga damit na kinuha namin ni Lyka sa store nila! Hahahah! Well, simula ng iwan ako ni Popoy, nag iba na ako ng pananamit and yes, maarte ako dahil siguro sa yaya ko since birth. Hahaha! Ok enough of me.

Nagtext sa akin sila Marco na dadaanan daw nila ako dito sa bahay within one hour. Hang out daw ng barkada.

Lyka's POV:

Mission Impossible: Forget Him[KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon