♥MI 11- Strange

15 2 0
                                    


--
Chapter 11-Strange.

Blake's POV

Pagkapasok ko sa room wla ng tao. Kaya lumabas ulit ako tapos nakasalubong ko ang kaklase ko.

Sabi niya pumunta daw ako dun sa room ng girls. May pa activity daw kasi yung teacher namin.

"Mam sorry po nalate ako ng punta. Nagcr kasi ako tapos inutusan pa ako ng ibang teacher"-sabi ko kay maam pagkapasok ko ng room.

"Ok lang Blake. Si Lyka nalang kapartner mo since mukang wala pa rin naman siyang partner."- Sagot ni maam.

"Ok mam."

"Sige bro, una na kami."-sabi ni Marco sa akin.

"Tara na Lyka"-sabi ko kay Lyka na gulat na gulat.

"Ha? Ah sge."

Pumunta na kami ni Lyka sa may garden. Medyo tahimik nga lang siya tsaka parang naiilang. Di ako sanay.

Kung ano ano lang sinabi ni maam na wala naman akong naintindihan. Nakatitig lang ako sa kanya eh.

Teka..

Kilala niyo na ba ako? Daniel Blake John Terrence nga pala. Yun lang. Hahaha.

Naglalakad ako papuntang parking lot ng school namin. Hihintayin ko lang yung driver namin.

May nakita akong pamilyar na lalaki na kabababa lang sa kakapark na kotse.

Teka? Shit! Nakabalik na pala siya??! Bakit pa siya bumalik? Hindi siya pwedeng makita ni Lyka.

Tumakbo agad ako sa room nila Lyka. May pinagawa pa kasi sa kanya si Mam Rui kaya malamang kaya malamang nasa room pa yun.

"Lyka!"

---

Someone's POV

"Son, nandito na ulit tayo sa pilipinas." -sabi ng dad ko nang makalapag na ang eroplano sa pinas.

Actually, nag makaawa lang ako kay dad na bumalik dito.

Bago ako mag high school, lumipad kami papuntang Spain at doon na ako nagpatuloy ng pag aaral.

Sa totoo lang, ayoko talagang umalis nun dito sa pinas. Kaso wala naman akong magawa.

Pero nung nasa Spain na kami, araw araw akong nagmamakaawa kay dad na bumalik na kami dito sa Pinas.

Isa lang naman yung dahilan kung bakit gustong gusto ko dito sa pilipinas eh.

Kasi, nandito rin yung babaeng gustong gusto ko.

Kaya nung nalaman ko na uuwi na kami ng pinas, hinanap ko na rin yung bagong school ng babaeng yon.

Nawalan kasi kami ng contact sa isa't isa simula nung umalis ako sa pinas.

Pati sa mga naging kaibigan ko wala na rin akong balita.

Katunayan, ngayon lang ako gumawa ng fb account para lang mahanap yung babaeng yon.

Mission Impossible: Forget Him[KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon