Chapter 5

176 9 2
                                        

Krystal's POV

"Huy, bes! Anong nangyari sa'yo? Mukhang kulang ka sa tulog ah?" Bungad sa'kin ni Ash pagkapasok na pagkapasok 'ko sa room.

"Dalawang tanong agad, kararating 'ko lang? Pero.. kulang nga ang tulog 'ko." Sabi 'ko sakanya.

"Ha? bakit?" Tanong niya ulit.

"Ha? Ah... Nag movie marathon kasi ako mag-isa." Pagsisinungaling 'ko sakanya.

"Ah, okay."  Sabi niya habang tumatango tango pa. Alam 'kong hindi siya convinced sa sinabi 'ko, pero hindi na ulit siya nagtanong. Sorry bestfriend, pero kailangan 'kong magsinungaling sa'yo. Ayaw 'ko namang sabihin sa'yo na ang kaaway 'ko ang dahilan kung bakit ako nakulangan sa tulog. Magulat nalang kasi ako, mamaya naka handusay ka na sa sahig dahil hindi ka makapaniwala sa sinabi 'ko. Oo, tama. Dalawang araw akong napuyat ako kakaisip dun sa sinabi niya na 'concern' daw siya sa'kin. Hindi 'ko rin alam kung bakit 'ko iniisip 'yun kahit alam 'ko naman na dinahilan niya lang talaga 'yun para kunwari hindi siya natatakot.

"Ay, oo nga pala! Ikaw, bes ha? Akala 'ko ba kaaway mo si Michael?" Biglang pag o-open topic ulit ni Ashley.

"Ha? Bakit?" Tanong 'ko sakanya habang nakakunot noo pa.

"Eh bakit bali-balita, nagdate daw kayo sa Star City last Saturday?" Nanlaki ang mata 'ko at parang nawala rin ang antok 'ko sa tanong niya.

"H-ha? H—"

"Wag mo nang i-deny! Nakalagay kaya sa School's Website yung pictures niyo! Ikaw bes ah! Naglilihim ka na sa'kin," Sabi niya at umarte na parang nagtatampo.

"..kwentuhan mo naman ako tungkol sa nangyari sa date niyo!" Dugtong pa niya.

"Adik. Hindi nga date yun—"

"Wag mo nang itago, bes! Ayos lang sa'kin. Ayos lang na mabawasan ang atensyon mo sa'kin.. Kailangan mo rin naman kasi ng lovelife." Sabi niya.

"Ang kulit mo. Bahala ka nga dyan." Sabi 'ko at inihiga ang ulo sa desk. Wala parin naman yung prof. namin kaya ayos lang na humiga ako sa desk.

"Malapit na nga pala yung School's Ball! Sino kaya makakadate 'ko?" Biglang sabi ni Ash. Napabangon naman ako. Oo nga pala, malapit na yung School's Ball. Hindi 'ko alam kung bakit may mga ganitong pakana ang school namin pero go with the flow lang. Masaya rin naman. Kaya lang, every ball, wala akong ka-date. May mga nag a-aya naman sa'kin pero hindi 'ko sila type. Maarte na kung maarte pero hindi 'ko talaga sila type.

Dumating na yung prof. kaya agad 'kong itinuon ang atensyon 'ko sa harap.

"Concern ako sa'yo. Hindi ako takot."

"Concern ako sa'yo. Hindi ako takot."

"Concern ako sa'yo. Hindi ako takot."

"Concern ako sa'yo. Hindi ako takot."

Ahhhhhhhhhhhh! D*mn that sentence! Ba't ba hindi mawala sa isip 'ko yan?! Bigla akong nabalik sa katinuan ng tinawag ako nung prof.

"Miss Hernandez," Napalunok ako bago ako tumingin sakanya.

"Yes?" 

"You're interupting my class."

"Sorry si—"

Perfect EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon