Krystal’s POV
Ngayon na ang araw ng Ball.. ewan 'ko kung bakit parang medyo excited ako, pero siguro dahil.. Err.. First time kong magkaron ng escort para sa Ball ng School. Nandito ako ngayon sa unit 'ko, kasama si Mama at Papa. Si Mama kasi yung nag-ayos sa'kin ngayon. Si Papa naman.. gusto lang daw akong makita. Na-miss niya na daw ang kagandahan 'ko. Haha. Nakakatuwa nga eh. Kasi iniwan nila 'yung tambak na trabaho nila para lang sa'kin. Minsan na lang kami talaga kasi magkita dahil nga hiwalay na ako sa kanila, at ayun tambak nga rin ang mga trabaho nila.
“You look so beautiful, anak!” Pagpuri ni mama sa'kin.
“Syempre naman, Mana sa'yo, Ma.” Sabi 'ko sabay kindat pa.
“Saan ang kasal?” Biglang singit ni papa sabay yakap kay mama.
“Papa naman, eh!” Suway ko. Tinawanan lang ako ni Papa. “Hahatid ka paba namin?” Tanong nito matapos tumawa.
“Wag na po. May magsusundo sa'kin, eh.” Sabi 'ko.
“Sino naman 'yan, ha?” Nakataas ang kilay na tanong nito.
“Yung.. escort 'ko.” Sabi ko habang nakasimangot. Naalala ko nanaman kasi kung ANO ang ginawa niya at PAANO ako pinilit ni Kai para lang sunduin niya ako sa darating na ball.
Flashback
“Krystal, sunduin kita ah?” Sabi niya habang naglalakad lakad kami sa Mall.
“Saan? Kailan?” Tanong 'ko sakanya.
“Sa unit mo. Sa araw ng ball.” Sabi nito pabalik.
“Ha? Bakit? Kailangan pa ba 'yun?” Nagtatakang tanong 'ko sakanya.
“Hmmm... hindi. Pero gusto 'kong sunduin ka, e.” Dahil sa sinabi niya... biglang nagwala 'yung puso 'ko. Hindi 'ko alam kung bakit pero—“...para ako unang makakita ng pangit na mukha mo.” Bigla namang tumigil ang pagwawala ng puso 'ko at tinignan 'ko siya ng masama. Bwisit 'to! Okay na 'yung sinabi niya eh! Pero hindi okay yung dinugtong niya! Psh.
“Ewan 'ko sayo! Hindi pwede. Pupunta sila Mama sa unit 'ko para ayusan ako. Baka makita ka nila. Ayaw 'kong makita nila ang jerk na tulad mo.” Pagganti 'ko sakanya.
“Maganda nga 'yun eh! Makikilala na nila ang gwapong boyfriend ng anak nila. Haha. Kaya dali na.. susunduin na kita!” Tinarayan 'ko siya.
“Boyfriend ka dyan? Psh. Asa! Hindi nga pwede! Ba't ba ang kulit mo?” Sabi ko sakanya.
“Dali na kasi.”
“A-YO-KO. Okay?” Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.

BINABASA MO ANG
Perfect Enemies
Novela JuvenilKai and Krystal were totally odds. They were always quarelling and pissing off each other. They really really hate feeling each others presence. But what if one day.. they realized that they did'nt really hate each other? Would they be still... Per...