Narration again😪
-----Two days later...
"Ano ba hyung huwag kang magulo!" -inis na bulong ni Taehyung kay Namjoon. May hawak itong pulang pentel pen at nakatutok sa mukha ni Jungkook na natutulog sa sofa.
"Hindi naman kasi ganyan si Pikachu! He has no fur! Ako nga!" -pasigaw na bulong naman ni Namjoon na pilit inaagaw ang pentel pen kay Taehyung.
"Anong fur?! May nakikita ka bang number dito?! May third eye ka na ba?! May nakikita kang hindi ko nakikita?!" -gulat na tanong ni Taehyung.
"*sigh* Yoko na sa'yo. Ako na nga magddrawing!"-pilit paring inaagaw ni Namjoon ang pentel pen kay Taehyung.
"Tapos na oh!"
"Bobo wala nga kasi yun ng ganyan!"
"Hoy mga kingina niyo! Ang iingay niyo di ba kayo titigil?!" -awat ni Yoongi na nakaupo sa gilid ng hospital bed.
"Aba hoy! Anong ginagawa niyo kay Kookie?!" -saway ni Jimin na kanina pa nagseselfie.
"Kumakain ako ng cookie." -biglang sabi ni Seokjin na kumakain ng cookie.
"Hyung kung wala kang havey na jokes, tumahimik nalang tayo okay? Kain na punyeta." -sabi ni Hoseok na kasama ni Seokjin kumain sa sulok.
"Huwag nga kayong maingay! Kapag nagising si Jungkook punyeta kayo. Di pa kami tapos!" -saway ni Namjoon na malakas na ang boses.
"Hyung ang boses mo!" -saway ni Taehyung.
"Gago! Itigil niyo nga 'yan!" -lumapit si Jimin sa dalawa upang kunin ang pentel pen.
"Tapos na bleh." -Taehyung.
Biglang bumukas ang mga mata ni Jungkook tanda na gising na ito.
"Oh tingnan niyo! Mga pashnea!" -Namjoon.
Inaantok na umupo si Jungkook habang kinukusot ang mata. Hinila naman ito ni Taehyung patayo sabay sigaw.
"Pikachu! Thunderbolt attack!" -sigaw nito na nakataas ang palad at nakatutok sa likod ni Jungkook.
"Attack!" -sigaw rin ni Namjoon na ginaya si Taehyung.
"Pikachu?! Asan si Pikachu?!" -tanong bigla ni Jungkook.
"Pokemon Go! Pokemon Go!" -sigaw ni Jimin na naupo sa tabi at pinanood ang mga kaibigan.
"J-horse labas!" -sigaw ni Jin na nakatutok ang palad kay Hoseok na agad namang tumayo at humarap kay Jungkook kahit ngumunguya pa.
"Hiyah!"
"Attack! Attack! Attack!" -excited na sigaw ni Jimin na kinukuhanan na ng video ang mga kaibigan.
"Putangina ng mga 'to." -napabuntong-hininga na lamang si Yoongi at tumingin sa gilid niya. Nandoon at natutulog parin si Eunji na dalawang araw nang walang malay.
Napatingin ito sa pulso niyang puno ng sugat. At sa leeg niyang may bakas parin ng lubid. Napabuntong-hininga na lamang siya at hinawakan ang pulso nito upang matakpan ang mga naghihilom nang sugat at peklat nito.
"Thunderbolt mo 'to!" -sigaw ni Jungkook at binato ang hawak na salamin kina Taehyung at Namjoon na bumubungisngis na.
"Woah! Nagwawala na si Pikachu!" -sigaw ni Jimin na nakatuon parin ang tingin sa cellphone.
BINABASA MO ANG
Engrish °°
Fanfiction"ilan na ba nanosebleed dahil sa kaka-english mo?" Min Yoongi ff »Bangtang Hamog Series book 1 + e p i s t o l a r y + -S I N K C L E A R-