072

39 3 18
                                    

Eunji's POV


"S-sigurado ka bang mabait yan?" -narinig kong tanong nung kasama ni Jisoo kaya nataigilan ako sa pagsaksak ng pizza ko gamit ang tinidor. Ako ba tinutukoy niya? Ano dadagdag pa siya sa pagkabeast mode ko?!


Pinagpatuloy ko nalang ang pagsaksak ng tinidor sa pizza ko. Wala eh naiiyak ako sa inis. Bakit kasi hindi ako pinapansin ni Yoongi?! Am I not enough?! Kapalit-palit ba ako?! Panget ba ako?! Eh kelan lang nung sinabi niyang popormahan niya ako eh! Paasa ang gago! Ano gusto niya ako manligaw sa kanya?! Pwede naman eh. Hehe. De joke. Jusko ayoko na.


"Huwag kang mag-alala, Lisa. Mukhang mamamatay tao lang 'yan pero mabait naman siya." -sagot ni Jisoo kaya muli akong natigilan.


"Ugghh!" -napasabunot ako sa inis. "Napupuno na talaga ako! Kung ayaw niya na akong pansinin kahit kaibigan lang edi huwag! Maghahanap nalang ako ng ibang crush! Pakyu siya!" -giit ko kahit nasa cafeteria kami at maraming tao.


"Pero putangina, pagkatapos niya akong paasahin! Pagkatapos niyang pagbantaan ang buhay ng pusa ko! Ganun-ganun nalang?! Hindi naman makatao eh! Kelangan ko ng kasagutan!" -pag-dadrama ko.


Bigla naman akong binato ng tissue ji Jisoo. "Gaga! Umayos ka nga! Nakakahiya ka!" -pabulong na sigaw niya kaya sinamaan ko siya ng tingin bago tumingin sa paligid. At dahil siga ako sinigawan ko mga etsuserang frog sa paligid.


"Ano, pinaasa rin ba kayo?! Wala akong pake! Never mind my business, okay?! Siya nga walang pake kayo pa kaya?! Kingina! Ang tumingin tanga!" -sigaw ko. Dahil kilala naman akong maganda at swag sa univ na to walang nagialam sakin. Idagdag pa si Taehyung na alam nilang kaibigan ko kaya wala talagang hahawak sakin. Omg, ang strong ko pala dito!


Si Jisoo lang talaga nananakit sa akin. "Aray!" -reklamo ko nang ibato niya sakin yung isang disposable cup. Joke si Yoongi pa pala huhu.


"Ano ba?! Bakit ba beastmode na beastmode ka?!" -iritado niyang tanong.


"Kinwento ko na sayo diba?! So di ka pala nakikinig?! Pakyu Jisoso!"-binagsak ko ang ulo ko sa lamesa. Hindi naman yung bagsak na bagsak talaga. Naiiyak ako bwisit.


"Eunji, umayos ka nga!"


"Yow, mga betlogs!" -napatingala ako nang marinig ko ang boses ni hyung. "Kamusta?"



"Omg! Anong betlogs?!" -gulat na tanong nung kasama ni Jisoo. Ano nga ba pangalan niya? Ah basta!


"Di mo alam? Yung ano yun! Yung--"


"Ano ba kelangan mo?" -pagputol ko sa sasabihin niya. Tumingin naman siya sakin sabay ngiti na halatang may meaning.


"Kailangan kita." -ngiti-ngiti niyang sabi.


Napa-singhap naman yung kasama ni Jisoo. I mean gasp. Yung mahabang gasp na halatang nagulat sa narinig. Iniisip niya rin bang may kami ni hyung? Hays kelang ba matatapos yang ganyan.


"Kumakain ako. Huwag kang magulo."-sabi ko at pinagpatuloy ang pagmurder sa pizza ko.


"Sigurado ka? Di ka sasama sakin?"


"Hindi. Sige na! Kakain pa ako!"


----

Engrish °°Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon