Spell No. 1

9.5K 168 8
                                    

"Hindi ka ba nagsasawa sa kakabasa nyang libro mo? Ilang ulit mo na bang nabasa yan?"

"Sagot sa unang tanong Hindi. Sagot sa pangalawa hmmm. 17 times na siguro to"

"Alam mo , wala na ata akong makita dito sa kwarto mo kundi puro poster ng 'My Soulmate' eh. Tsaka nakakasawa na yung mukha nung author sino ba to si M.E Lawrence? "

"Grabe !! Kung wala ka rin namang matinong sasabihin itikom mo na lang yang bibig mo."

Hay, ganyan ang normal na pagguusap namin ni Collette. Ang topic namin lagi ay kailan ko na ba titigilan yung pagbabasa ko ng libro o kaya yung mga panlalait nya sa author o kaya cast nung libro.

Hindi ko naman kasi sya masisisi. Minsan na lang kasi kaming magbonding ni Let dahil nga sa kakabasa ko ng libro . EH SOBRANG GANDA NAMAN KASI EH! yung tipong ayoko makalimutan yung kahit isang scene sa libro. Nakakakilig kasi sya tsaka may moral lesson din naman yun eh. Yung nga lang hindi ko na-aaply kasi wala naman akong lovelife.

"Alam mo Zel nababawasan na yung social life mo dahil sa kakabasa ng libro na yan. Halos dyan na nga umiikot yung buong mundo mo eh."

"Eh try mo kaya akong suportahan kahit konti lang. Lagi ka na lang kumukontra eh."

"O sige itry mong maki'social' man lang. Kapag nakapunta ka sa highschool ball naten hindi na ako kokontra. PRAMIS! Susuportahan pa kita. Malay mo dun mo makita si prince charming" Sabay taas baba ng kilay nya. Bigla naman akong kinilig.

May crush kasi ako dun sa school eh. Yung pangalan nya ano... uhmm... EEEEEEE!!! Nahihiya ako >____<  M I C H A E L .

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!! Kinikilig talaga ako kapag binabanggit ko yung pangalan nya!

Naiimagine ko yung mga nababasa kong novels . Yung mga love at first sight. O kaya yung mga matagal na pala syang may gusto sa akin hindi nya lang masabi kasi nahihiya sya. 

"Hoy iniisip mo na naman si Michael. Tinatanong kita kung pupunta ka ba?"

"OO PUPUNTA AKO!! DIBA NANDUN NAMAN SI MICHAEL??!!"

"Ano ba ZEL! Oo naman pupunta yun! Hindi pwedeng hindi kasi sya lang naman most popular dun noh."

So alam nyo na? Si Michael ang most popular guy namin sa school. Diba ganun naman sa mga fairytales? Yung pinakasikat naiinlove sa isang plain girl na katulad ehem KO!

~Kinabukasan

Naglalakad ako sa school grounds. Pupunta kasi ako dun sa tambayan ko-- sa likod ng school. Kung hindi nyo natatanong ang suot ko lang naman eh isang super long na palda na medyo paanan ko na, isang polo na mas malaki pa sa akin na long sleeve tapos isang malaking eyeglasses. Medyo manang ako pumorma pero mas kumportable naman. Bukas kasi balik na naman sa school uniform. Wash Day namin ngayon.

Sa paglalakad ko nadaanan ko yung room ni Michael. Kaso wala sya dun kaya tumoloy na ako. Medyo nakatungo ako kung maglakad .Kaya minsan may nakakabunggo ...

"S-sorry" katulad ngayon. Hindi ko na tinitignan yung nakabunggo ko basta tumuloy na ako.

"Excuse me. Hindi ko alam kung saan yung room ko eh, can you help me?"sabi nung kabungguan ko habang nakatalikod ako sa kanya.

Kaya humarap ako.

Pagkaharap ko OMEEEGAAASSSSHHHHHH!!!!!!!! ANG GWAPOOOOO >___< Pero para sa akin mas gwapo pa rin si Michael ^__^

The Fairytale Magic [✔ DONE] 🚧[Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon