Spell No. 21

1.4K 53 1
                                    

Saturday.

Hay~ kapag weekends ang sarap humilata, maginat inat sa umga, painom inom ng kape o kaya milo sa umaga.

Pero

Dahil may contest nga akong sinalihan, hindi yan yung mga ginagawa ko.

Nandito ako sa mall na sobrang aga. Sobrang aga meaning kakabukas pa lang ng SM. Hindi ko alam kung ano ang trip ni Collette at sobrang aga nya ako pinapunta sa SM. Oo , ako lang ang magisa na pumunta. Hintayin ko daw kasi sya. -_-

Syempre tuwing pumupunta ako sa SM at kahit saang mall na may National Bookstore, dun ako unang pumumunta. Kulang na nga lang tumira ako sa National Bookstore eh.

Naghanap hanap ako ng mga bagong libro. Wala pa kasing bago si M.E Lawrence.

Kinuha ko muna yung isang maliit na libro na puro jokes yung laman. Tapos umupo ako dun sa gilid, perfect.

Effort

Yan ang tawag sa pinaglalandingan ng Epleyn

 

Hindi ko alam kung nakakatawa sa inyo, pero saken bentang benta. HAHAHA! Parang tanga lang! Epleyn?! HAHAHAH !!

Ano ang tawag sa grupo ng mga pusa?

Edi pang-CAT

 

WAHAHAHA! naluluha nako dito sa gilid sa kakatawa. Pagtingin ko naman sa paligid ko, lahat ng mga dumadaang tao napapatingin saken. HALA! :O Mukha na ba akong baliw na tumatawang magisa dito sa gilid?! MEME KELL ME!!!

"Ahmmm Miss bawal pong umupo sa part na yan." napatingin naman ako dun sa guard na lumapit saken. Anu ba yan! KJ tong si kuya guard! Naku lagi namang natutulog sa pwesto nya.

Umalis na lang ako sa NBS at naghanap na lang ng ibang store na may tindang libro.

Lakad

Lakad

Lakad

Wuy! May tindang gummy worms *O*

DUN TAYO!!!

"Ate magkano po yung gummy worms?" tanong ko dun sa may ale. Nung sinabi nya naman yung presyo, sabi ko isa.

Habang kinikilo ni ate yung mga baby ko, tumingin tingin pako. Ang sasarap naman ng tinda nya. HMMMM YUM!

"Zel?" sabi ni-- DAVID?!

 

"OY David! Nandito ka pala?"

 

"Ikaw din! Anong ginagawa mo dito?"

The Fairytale Magic [✔ DONE] 🚧[Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon