RAPUNZEL'S POV
Pagkatapos nung nangyare, nakabalik na ulit kami ni David sa trabaho. Good work naman daw kami sabi nung boss kong paminta. Ang meron na lang ay yung reunion namin sa South Star Academy. Which is ngayong gabi na.
Sabay kaming dadating ni David. Susunduin nya ako dito sa bahay ko ng mga 6 para pagkadating namin dun 7 na. 1 hour kasi yung byahe. Okay lang naman daw na malate kami kasi baka 7:30 pa daw magstart yun.
"Hello David? Oks na ko. Otw ka naba?"
"Oo. Just wait Chup ah."
"Kay. Bye."
Parang HS Ball kasi yung theme kaya nakacocktail ako. Excited na kinakabahan na nga ako eh. Syempre excited kasi muling magkikita na naman kami ng mga kaklase kong saksi sa aming pagiibigan ni David (naks hahaha!) tapos kinakabahan kasi maraming tao hindi naman ako sanay sa mga ganito.
*knock knock*
"Saglit lang!"
Pagkabukas ko sa pinto nagulat ako sa nakita ko. Si David, nakatuxedo. All out sa pagiging formal attire.
"Goodevening milady!" natatawa ako kay David. HAHAHAH! Paano ba naman kasi parang ang formal formal ng pagkakaapproach nya sakin.
Nilagyan nya ng corsage yung kamay ko tapos nagsmile sya at hinalikan to. KINILIG NIMIN IKI!! HAHAHAH! Tapos nagholding hands na kami papunta sa sasakyan nya.
"I love you Zel."
"Lam ko." Sumimangot naman sya. Hindi kasi ako nagilove you too. "Oo na! Mahal din kita." Tapos nagsmile na ulit sya.
On the way sa SSA laging hawak ni David yung kamay ko. Hindi nga nya mabitawan eh. Nagtataka naman ako kasi usually kapag nagdadrive sya hinahawakan nya yung kamay ko kapag traffic o kaya nasa stoplight. Ngayon minamanage nyang magdrive na isang kamay lang.
"You can let go of my hand if you want to?" ngumiti sya bago sumagot.
"No. I will never let go of your hand no matter what. I want to hold it forever." Natawa ako.
"Ang OA mo David ah. Mukha ka na kasing nahihirapan oh! Mamaya mabangga pa tayo nyan. Hindi naman ako tatakbo eh." Nagsmile na lang ulit sya tapos sinunod yung sinabi ko.
Pagkarating namin sa party. Start na. 7:15 na kasi. Hindi naman namin namiss yung mga importanteng parts ng party kasi kasisimula pa lang din naman daw nila.
Lahat ng mga mata nakatingin samin ni David. Iba na talaga pag artista yung kasama mo diba? Kahit na anung suot o porma nila literal na mapapatingin ka kasi agaw attention. Minsan nga nung gumala kami sa mall ni David, nanliliit ako eh. Paano ba naman puro girls yung mga nakapaligid sa kanya at first time kong kuyugin ng mga tao. Nagaway nga kami nun eh. Umalis kasi ako sa pwesto nya. Ayun, hindi nya daw ako napakilala sa mga fans nya.
Napostpone din tong reunion na to kasi daw may technical chuchuchu problems. Kaya nung tumawag sakin si Collette nun, one month pa bago natuloy. At least sabi nya, kumpleto daw yung batch namin dahil nga naurong. May time na daw yung iba.
Inaannounce na rin ni David na kami na after nung nangyari sa mall. Sabi nya he will quit showbiz na lang daw, sabi ko naman hindi na kailangan kasi iba pa rin kapag umaacting sya eh. Passion nya yun at gusto kong ipapatuloy nya yung gusto nya. So ayun, dito na lang daw sya sa Philippines. Maybe maglalie low na lang sya sa showbiz na which I doubt kasi kahit nga nung HS days namin hindi naman nabawasan fans nito. HAHAH! Hindi ko nga alam kung ano nakita nila sa panget na to eh.
"Goodevening ladies and gentlemen. Batch 20** is a very memorable batch of this school. Nandito kasi yung mga estudyanteng makukulit, pasaway sa klase, sakit ng ulo ng teacher. But it also have the most intelligent students in terms of academic excellence. So in behalf of the school's administration and staffs. I would like to welcome you all, in a night full of flashbacks." Nagpalakpakan kami sa sinabi nung principal.
BINABASA MO ANG
The Fairytale Magic [✔ DONE] 🚧[Under Construction]
AcakManiniwala pa ba ako sa FAIRYTALES AND FANTASIES o haharapin ko na lang ang TRUTH and REALITY? ---