"Oo and Zel I'd like you to meet... my parents." nagulat ako sa sinabi nya. WHAT THE--?! Parents? As in Mama Bear and Papa Bear? WAAHH! Ni hindi ko nga alam kung anong itsura ng parents nya o kung anong trabaho nila in short, lahat!
Wala na ata kong alam at maisip na tama. Eto na ata yung sinasabi nilang hyperventilate.
"Zel.. okay ka lang?"
"Hu-huh?!" napalingon ako sa kanya.
"Namumutla ka kasi tapos nanginginig at pinagpapawisan." nakita ko naman sa mata nya na concern sya saken. Paano ko ba sasabihin na hindi pa ko ready na magpakilala sa mga magulang nya?
"A-ano kasi.. Paano kung... hindi nila ako magustuhan?" tumingin lang sya saken at nagsmile.
"Kahit ano naman ang gawin nila, ipaglalaban kita. Besides, *he holds my hand* you're my girlfriend now. There's no going back." nawala tuloy yung kaba ko nung hinawakan nya yung kamay ko. Wushuuu... kiligmuch hahah xD
Pumasok kami sa loob.
WOWW LANG! Ang yaman nila David!
Oo alam ko namang mukhang mayaman , artistahin at taga-ibang bansa itong si David pero hindi ko naman akalain na mansyon nga talaga ang bahay ni David. Isa pa, kinuwento nya saken na sya lang ang nasa bahay nila kasi minsan sa bahay talaga nila sa Amerika sya nakatira. Ibig sabihin, hindi nila ito nagagamit at sya lang ang nakatira dito madalas.
Pumasok na kaming dalawa sa loob. Mga around 5 na ata. Tapos may tumawag sa kanya sa phone nya at sinagot naman agad.
"Yes... okay ma.. Don't worry. She's a nice girl ma. Okay.. bye ma." sabi nya.
Tinignan ko sya ng sino-yun-at-anong-sabi-nya-look?
"Si mama yun. Sabi nya kakarating pa lang nila sa bansa. Gutom na daw sila kaya dideretso na lang sila sa resto kaya dun lang daw tayo pumunta. But before that..." tinignan nya ako na may kasamang paghuhusga. Take note head to foot. "kailangan ko munang pagandahin ang aking prinsesa ^__-" psh. Kindat kindat pa!
May tinawagan lang sya at pagkatapos ng mga 15 minutes na paglalandian namin (Hoy! Hanggang holding hands lang kami nito walang kiss!!!!) eh dumating na yung tinawagan nya.
"Finally Auntie!" sabi nya at niyakap nya yung Aunt nya at nagbeso beso sila. You know... rich people thingy.
"So I will be your fairygod mother again?" sabi nya at nginitian ako.
"Yes. But Aunt, I want her to look gorgeous and formal." tumingin sa kanya yung Aunt nya ng nakakunot ng noo.
"Just for a date?"
"Yes because... I want her to meet my parents."
"Oh... so let's get started again!" tapos pumalakpak pa yung Aunt nya.
BINABASA MO ANG
The Fairytale Magic [✔ DONE] 🚧[Under Construction]
RandomManiniwala pa ba ako sa FAIRYTALES AND FANTASIES o haharapin ko na lang ang TRUTH and REALITY? ---