ONE

10 0 0
                                    

Hi! Ako si Jonell "JOE-SA" Velasco. Yes mga 'teh, bading ako. Pero hoy! Hindi ako tulad ng ibang mga bading na kilala niyo na nagreregalo sa mga lalake o nakikipagrelasyon sa mga lalake a? Bading ako, mahinhing bading. Haha. Charot yung mahinhin! Madaldal rin ako kahit papano. Third year college na 'ko, BS in Accountancy. Taray noh? Future CPA here! Kaway kaway sa mga kagaya ko! Hehe. Ayun nga, opening namin. Bitin na bitin ako sa bakasyon kasi naman!! May pa-summer classes pang nalalaman ang school namin, edi tatlong linggo lang ang bakasyon namen? Kakastress. Di bale na, medyo nasulit ko naman HAHA!

Sa di namin inaaasahang pangyayari, meron raw new student. Sinabi sa'min ni Ma'am Amara nung nag-enroll kami. Bihira 'to, kasi pag gan'tong level na, wala nang nagtrtransfer e. Natanggal kaya yun sa retention ng dati niyang school? Ano kaya siya? Babae or lalake? Sana lalake! Hahahahahaha!

"Baaaaaklaaaaa! Magandang umaga!!" Salubong sa'kin ng barkada kong si Jamie. Babae yan. Haha!

"Mas maganda ako sa morning, bak! Pero good morning pa'rin!" Balik kong bati naman.

"Ke aga aga ang ingay niyong dalawa!!" Narinig naming sigaw ni Lyca. Isa pa naming friend.

"Aba 'teh! Kung makasita ka, parang di na nakasigaw a?!" Sabi ko naman sakanya na dahilan upang magtawanan kaming tatlo.

"Whatever! Hahaha! Tara pasok na ta'yo mga bakla." Yaya ni Lyca sa'min.

At pumasok na nga kami sa classroom. San pa ba diba?! Hahahaha. Nang pag-upo namin ay pumasok ang mga kaklase naming pasado na sa pagiging Papabol. Sina Ehmil, Rav at Iggy. Maraming may crush sa mga 'to pero hindi ako. Hahahahaha! Siguro dahil simula high school ay magkakaklase na kami. At duh? Gaya ng sabi ko kanina, hindi ako malanding bading. Maingay lang HAHA.

"Good morning, babe!" Masayang bati ni Rav kay Lyca. Yes mga 'teh, magkasintahan sila. Haha. Ganda rin netong babaeng 'to e, nadale si Rav? Hahahaha. Para sa'kin kasi, sa kanilang tatlo, si Rav ang pinakapogi. Haha.

"Mm, morning." Sabi lang ni Lyca na ngumingiti habang kaharap si Rav. Jusko 'teh, pag ako talaga nagkalablayp aaraw-arawin ko rin ang pagiging blooming! Hahahaha.

Habang inaantay namin ang instructor namin ay syempre nagchikahan muna kami. May kwikekwento pa si Jamie tungkol sa bakasyon nila sa Bicol pero naputol ito nung pumasok na si Miss. Kasunod ang isang....






...BABAE.

T_____T Bakit babae? Akala ko pa naman magkakaroon ako ng inspirasyon this year! Hahahahahaha oh well pinagkakaitan talaga ako ng tadhana.

"Welcome back, Future CPAs!" Bati niya sa'min. Ganyan si Miss, pinapalakas ang loob namin sa pamamagitan ng pagtawag sa'min niyan. Hehe.

"Namiss ka namin ma'am!"
"Good morning, ma'am!"
"Ma'am sino yang kasama mo?"

Sunod sunod na sabi ng mga classmates namin.

Nakayuko siya, at mahaba ang buhok niya, kaya di namin makita mukha niya. Mahiyain? Haha di pwede yan sa'min! Hahahahaha.

"Ah! That... She's your new classmate, transferee siya from JD College. Miss Montemayor, please introduce yourself." Nakangiting sabi ni ma'am habang nakatingin sakanya.

"Oo nga miss, pakilala ka!"
"Bat ka nakayuko?"
"Yieee wag kang mahiya sa'min."

Hirit ng mga lalakeng classmates namin.

Unti-unting inangat nung transferee ang ulo niya, at nakita ko kung pano natigilan yung mga lalakeng classmates namin sa pagkantyaw.

Deym!!! Lubog nanaman ang beauty ko dito!! Jeske nemennnn!! Pati ang baklang kagaya 'ko ay magagandahan talaga dito sa babaeng 'to!! Ang puti puti niya, yung buhok niya, mahaba pero hindi dry. Yung bibig niya, mapula. Nagliptint ba 'to?! Ay nakakaloka yung eyebrows niya!! Alagang threading 'to panigurado! At anak ng! Ngumiti siya, jusko 'teh! Yung ngipin niya, pantay pantay! Wala na! Uwian na! May nanalo na! Hahahahahaha.

NO IDEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon