FOUR

2 0 0
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa balikat ko.

Minulat ko ng konti yung kaliwang mata 'ko at naaninag ko si Papa.

"Mmm pa?" Tanong ko habang humihikab.

"Pupunta akong Bulacan ngayon e. Gusto mo sumabay?" Sabi naman niya.

Business meeting nanaman siguro 'to. Saka lang kasi niya 'ko ginigising pag mahahatid niya 'ko e. Bago ako sumagot ay tinignan ko ang celphone ko. "5:47 a.m." Tss, ang aga pa pala. "Gising na kaya yun?" Sabi ko sa utak ko.

"Sinong gising 'nak?" Tanong ni papa. Nagulat ako at nahalata niya yun. "Uy sabi ko sinong gising na ba? Haha! Ikaw 'nak, gising ka na ba?" Pang-aasar niya sa'kin. Close kami ng tatay ko kahit bakla ako. Cool nga e.

"A-ah wala Pa. Si Kezh po." Sabi ko.

"Ah si Keziah? Ay oo nga pala noh? Sabay nga pala kayong pumapasok. O siya sige, uuna nalang ako." Sabi niya ng nakangiti.

"Pa, a-anong ngini-ngiti mo jannn?" Inosenteng tanong ko.

"Hehe ngayon kasi ang unang beses na di ka sasabay sa'kin. Bihira na nga lang kita maihatid sa school niyo e. Haha!" Sabi naman niya.

"E-eh? K-kasi po, wala pa naman po sina Kezh nung madalas kayong mag meeting sa Bulacan pa." At napakamot ako sa ulo.

"Haha sabi ko nga! O siya 'nak, tulog ka nalang ulit kung makuha mo pa tulog mo. Kung hindi naman, sabayan mo na kami ng mama mong kumain." Sabi niya bago siya umalis sa kwarto ko.

Hindi na 'ko makakatulog dahil nagising na diwa ko. Haha! Kaya bumaba nalang ako para sabayan silang mag breakfast. Pagkatapos nun ay naligo na ako at nagbasa ng lessons namin mamaya. Scan lang, kasi konti nalang rin ang time. Inaantay ko nalang kasing magtext si Kezh, tapos aalis na rin ako.

Nasa Evaluation Techniques na 'ko ng may nagtext.

"Good morning, Joesaaaaa.
Tara naaaaaa! =)"

Ayan na. Nagpaalam na 'ko kay mama at madaling lumabas ng bahay. Paglabas ko ay andun na sa may gate namin si Keziah.

"Go'morneng!!!" Masigla niyang bati sa'kin.

"Ang saya mo naman?" Tanong ko.

"Ikaw ba naman ang unang makakasama ko sa umaga, di ka masisiyahan?" Balik niyang tanong. Eto nanaman po ang ate niyo. Jeske yeng pese ke. *tug tug, tug tug* nanaman.

"The feeling is mutual, kaya't tara na." Sabi ko ng nakangiti.

"Ay naks!!! Gustong gusto mo rin pala akong kasama Joe ha!" Tukso niya sa'kin.

"Wala lang pala akong choice dahil jan sa tapat ng bahay namin kayo lumipat." Sabi ko at nag roll eyes. Tumawa naman siya at isinakbit ang kamay niya sa'kin.

"A-ano yaaaan!! Baka may makakita sa'tin!!" React ko. Pati ako ay nagulat sa violent reaction ko.

"Ang OAAAAAAA mo ha! Hahahahaha. Ginagawa naman 'to nina Jamie at Lyca sa'yo ha!!" Sabi pa niya. Yun na nga, ginagawa rin nina Jamie 'to sa'kin pero hindi ganito ang epekto. Hays. Ano bang nangyayari sa magandang ako? Huhu. Kinakabahan ako dito e.

"E-eeehhhhh? Aish bahala ka nga!" Sabi ko.

Gaya ng inaasahan ko ay inulan kami ng tukso ni Keziah.

"Uyyyyy ano yan ha? Hahahahaha!" — nakahawak lang siya e
"Nuxxx close na close na talaga kayo noh?" — duh superrr bahay nga namin magkatapat e
"Bagay pala kayoooo?!" — talaga! w-wait w-hat? sarrey, kala ko kung sinasabi niyong maganda kami
"Ay oo nga noh? Kung di lang babae si Jonell e! Haha!" — dazz right, babae ako. Babae ako. Dyosa pa nga e.

NO IDEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon