THREE

1 0 0
                                    

Nang makarating kami sa mall ay agad niya 'kong hinili papunta sa cinema. Atat na atat manood ng Finally Found Someone, haha! Kung sabagay, andun naman ang Papi John Lloyd.. nagpatangay na ang bading. Haha. Pagkatapos naming manood ay kumain muna kami sa McDo. Wag kang choosy, yun favorite naming pareho e. Haha. Saka naman kami pumunta sa department store. Wala naman akong balak mamili ngayon, sinamahan ko lang 'tong Keziah. Actually, tinukso pa nga ako nina Jamie at Lyca dahil dun e. Nang pumayag akong samahan si Kezh sa mall, nag react yung dalawa.

*flashback*

"Ayyyyy!! Iba na yan Joesa ha!!" Sabi ni Jamie.

"Ano nanaman?"

"Bakla, never mo kaming sinamahan mag mall kahit anong yaya namin sa'yo!" Sabi naman ni Lyca.

"Oo nga! Saka ka lang sumasama sa'min pag ikaw mismo ang may bibilhin! Hahahahaha!" Sabi pa ni Jamie.

"Yaaaaah! Aminin mo nga sa'min?! Lalake ka na ba? Lalake ka na noh? Haha. Ang bilis mo pumayag pag si Kezh ang nagsasalita e! Hahahahahaha!"

"Luhhhh? Di ba pwedeng gustong panooring ang AshLloyd?! Mga baklang 'to!! Gagaling na imbentor!" Sagot ko naman sakanila.

"Hahahahahahaha! Sabi mo e!" Tukso pa ni Jamie.

*end of flashback*

Napapaisip rin ako actually kung bakit ang dali-dali kong pumayag mag mall kasama ni Kezh. Eh di naman ako palalabas. Di nga ako katulad ng ibang bading na kakilala niyo na every week ay rumarampa sa mga malls. Duh? I prefer tulog than gala. HAHAHA!

Pero isang yaya lang ni Kezh sa'kin... sumasama ako.

Isang tawag lang niya, pupunta ako.

Isang tingin lang niya, tatameme na 'ko.

Hayyy ba't ganun? Hmmmm, siguro dahil tinuturing ko siyang bestfriend? Hehe ganun nga siguro yun.

"Jooooooe, anong mas maganda, etong red or black? Anong mas bagay sa'kin??" Pukaw ni Kezh sa atensyon ko.

Tinignan ko yung sinasabi niya. Off shoulders siya pero may strap. Sa kutis ni Kezh, kahit ano babagay e.

"The red one. Kikinang ang kutis mo pag yan." Sabi ko nalang. Red looks great on her. Pag nga nag red lipstick siya, para siyang si Snow White e. Haha!

"Sige isukat ko lang." Sabi niya at tumango nalang ako.

Kinuha niya yun, then nagsukat pa siya ng iba't ibang damit. Nakakapagod sumama pag babae ang nagshoshopping jusko! Di ako ganto katagal pag ako namimili!!! Kaya naman umupo muna ako sa tapat ng fitting room. Inaantok na nga ako e! Haha. Pinikit ko saglit yung mga mata ko. Nang biglang...

"Joe? Hmm, what do you think?" Rinig kong sabi ni Keziah.

Unti-unti kong minulat ang mga mata 'ko at di ko alam kung bakit...

*tug tug, tug tug* eto nanaman ang puso ko.

Di ako nakapagsalita dahil sobrang nagagandahan ako kay Keziah ngayon. Nakasuot siya ng white sundress. Yung strap niya parang nakatali tapos yung palda, parang sumasayaw kasabay ng hangin. Napalunok ako habang tinataas ko ang pagtingin sakanya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nang umabot sa mukha niya ang paningin ko... *lunok* Ang ganda niya!!! Para siyang anghel. Napakaganda niyaaaaa.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NO IDEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon