"Uyyy wait pala! Pwede magpalit muna ako saglit? Saglit lang talaga." Sabi ni Kezh.
"Saglit lang ha? Saglit?!" Sabi ko naman.
"Hahaha oo nga! Mabilis lang. Praaaamis!"
"Ge bakla gorabels na. Wala pa naman yung Grab." Sabi ko.
Tumakbo siya papasok ng bahay nila. Tss ang loka, di man lang nag invite pumasok sa bahay nila. Ako pa nga lang nakakapasok sa bahay nila e. As in di pa nakapunta sina Jamie at Lyca. Haha. Pero okay lang para may maghintay sa mga grab cars namin dito sa labas. Mahirap na baka di kami makita HAHAHAHA.
Mabilis lang naman talagang nagpalit si Kezh kasi saktong dating ng sasakyan ay lumabas na siya. Magkakasama kami nina Ehmil, Jamie at Kezh dito sa isa. Then sa kabila ay sina Rav, Lyca at Iggy. Yung syota ni Iggy ay dun na raw sa mall dederetso.
Nang maka-ayos kami sa loob ay tinaasan ko ng kilay si Keziah.
"Ba't di ka nalang nag panty?" Sabi ko.
"Whuuuut?"
"Ang ikli ng suot mo." Sabi ko sakanya.
Pano, naka romper lang siya. Yung manipis pa ang tela. Red nanaman, kaya lutang na lutang nanaman ang kutis niyang malaporselana.
"HAHAHAHAHAHA UYYYY JOE PROTECTIVE KAY KEZH." Sabi ni Jamie. Nakatingin naman sa'min si Ehmil, gamit yung mirror sa sun guard. Nakangiti rin siya.
"Bestfriend e." Depensa ko.
"Bestfriend lang ba?" Sabi ni Ehmil.
"Oo nga, Joe.. bestfriend lang?" Sabi ni Kezh na may nakalolokong tingin at ngiti.
"Magdusa ka sa friendzone gerl!!" Sabi ko sakanya. Tinawanan lang nila ang sinabi ko.
"Pero sino nga pala yung crush ni Jamie?" Tanong ni Ehmil.
"H-halaaa. N-naalala mo pa yun?" Sabi ni Jamie. Hahahahaha namumula nanaman siya!! Jusko ang obvious niya na talaga. Delikado talaga pag nasabi mo sa friends mo e.. mabubuko at mabubuko ka nang wala sa oras. HAHAHAHA.
"Hahaha, onaman. Di mo kasi nasagot kanina e." Sabi ni Ehmil.
"Hahahahaha wag mo nang alamin Ehmil. Manligaw ka nalang kung gusto mo." Asar ni Kezh
"Sa'yo?" Sagot ni Ehmil.
Napatigil kaming tatlo. A-w-k-w-a-r-d.
"H-ha ha ha patawa ka." Sabi ni Kezh.
"Haha I know. I was just joking. Alam ko namang di pwede." Sabi ni Ehmil.
"Si Jamie nalang ligawan mo! BWAHAHAHAHA." Sabi ko naman pambasag ng katahimikan.
"Hahaha, eh may crush nga siya e." Sabi naman ni Ehmil.
"Ano naman? Malay mo kung—"
Hindi naituloy ni Kezh ang sasabihin pagkat hinawakan siya ni Jamie sa kamay. Napatingin tuloy ako sa mukha niya. Pulang-pula na ngayon si Jamie. Uh-oh. Hindi na siya nakangiti. Nasobrahan yata namin. Pilit ang ngiti niya nang magsalita siya.
"A-ah haha. Wala yun. Wag mo nalang rin pansinin 'tong dalawa. Lalo't alam ko rin namang hindi pwede." Sabi niya. "Si Kezh nga ang gusto niya diba?" Baling niya sa'min ni Kezh.
Hindi siguro nadama ni Ehmil yung sarcasm sa tono ni Jamie dahil di naman kami madalas magkakasama. Pero kami ni Kezh, alam naming may hinanakit siya kahit papano. Ngumiti nalang kami. Hays. Makapag sorry na nga lang mamaya. Nakakakonsensya naman. Tapos eto namang si Ehmil, si Kezh pa talaga ang gusto e. Halatang halata. Kaya kahit sinabi nun ni Jamie na hindi siya nagseselos, feeling ko talaga, nagseselos na 'to ngayon. Harap-harapan na niyang nasasaksihan ang pagtingin ni Ehmil kay Kezh. Yung pagiging gentleman niya kay Kezh. Noon kasi, inentertain niya ang manliligaw niya kaya pag nilalandi ni Ehmil si Kezh, di niya nakikita. Napaisip tuloy ako.. baka yun ang dahilan niya kung bakit niya pinayagang manligaw yung si Raffy. Mabait rin yung lalake na yun.. kaso nga lang, sadyang iba ang hinahanap ni Jamie e. Parang si Kezh lang.. na kay Ehmil na'rin naman lahat.. kaso, iba ang hanap.