Nang makauwi ako kahapon ay ipinaalam ko kay mama na pupunta ang barkada ngayon. Tapos nagpaluto ako ng Igado at fried na galunggong, dahil sa yun ang bilin nila. Haha! Nagsisipilyo ako ng tawagin ako ni Mama na anjan na ang mga bruha. Kaya naman binilisan ko na.
"Taraaaay bilis mong nag toothbrush a? Nakasipilyo ka nga ba?!" Pang-ookray ni Lyca sa'kin.
Hinarap ko siya saka ko binugahan ng hininga ko.
"Oh ano? Ang bango noooohhhh?" Sabi ko pa habang natatawa.
"Yuck!! Kadiri ka talaga Joe!!" Sabi niya na parang diring diri talaga.
"Hahahaha ang arte mo! Ka totoothbrush ko na nga e! Hahahahaha!" Sabi ko at tumawa naman yung iba.
Tinignan ko sila isa isa at wala pa si Kezh.
"Oh eh bat di niyo kasama si Keziah?" Tanong ko sakanila.
"Eh di ba't jan lang sa tapat ang bahay nila? Kala namin andito na e." Sagot naman ni Jamie.
"Ay wala, di naman siya nakikain dito haha. Teka tawagan ko nalang." Sabi ko.
• Calling Marie 💁🏼 •
"Yea?" Sagot niya sa'kin.
"Anong yea-yea? Anong oras na?!" Sabi ko naman.
"Ummm mag ni-9 na. Bakit?" Inosenteng tanong niya. Hala nakalimot agad?
"Anong bakit?! Andito na silang lahaaaaat. Ikaw nalang ang wala." Sabi ko.
"Ay hahahaha! Kala ko ay 10 am e? HAHAHAHAHA. Ge ge wait lang, punta na 'ko." Sabi niya sabay baba ng tawag.
• call ended •
"Oh anong sabi?" Tanong ni Lyca.
"Ang gaga, 10 a.m ang alam na usapan. Haha! Magcro-cross na raw siya." Sabi ko naman.
"Ang laki at linis ng bahay niyo noh, Joe? Kung ikumpara sa bahay niyo nung high school." sabi ni Ehmil. First time nga pala nilang pumunta dito. Lumipat lang kami after graduation namin ng HS dito e.
"Haha! Di naman malaki. Sumobra lang ng konti sa sakto. Mas malaki nga yung kina Jamie e." Sabi ko sabay kindat kay Jamie.
"Talaga? Kelan naman kami makakapunta dun, Jamie?" Nakangiting tanong ni Ehmil sakanya.
"A-ah e-eh.. hehe kelan niyo gusto?" Namumula si Jamie! Anak ng! HAHAHAHAHA ANG CUTE NIYA. Ang tagal naman ni Kezh! Haha.
"Bukas na! Haha dun naman tayo tumambay!" Sabi ni Lyca na nakangising nakakaloko. Haha ang baliw namin.
"San tayo uli bukas?" Biglang sumulpot naman 'tong si Keziah.
"Hoy nakakagulat ka namang babae ka!" Sabi ni Lyca.
"Nakakagulat e alam niyo namang pupunta na 'ko?" Takang tanong ni Kezh.
"Haha! Gaga what I mean is, bigla bigla kang nagsalita e! Haha."
"Ay hehe pasensya ^_^v" sabi naman ni Kezh. "Pero san tayo bukas?" Pag-ulit niya sa tanong.
"Umm sa bahay raw tayo sabi ni Ehmil, Kezh." Sabi naman ni Jamie na hanggang ngayon ay namumula pa. Haha.
"Mmm kaya pala. HAHAHAHAHAHAHA!" Mukhang baliw 'tong Kezh. Mamaya mabuko si Jamie e HAHAHAHAHAHAHA.
"O siya tara, mag-aral na tayo nang makapagdate na kami ni Camille!" Basag sa'min ni Iggy.