TWO

2 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang buwan at totoo ngang naging close ko talaga 'tong Keziah na 'to. Ang totoo'y mas nakakasama ko na nga siya kesa kina Lyca at Jamie e. Pano naman kasi... may boypren si Lyca tapos etong si Jamie, may manliligaw na! Dumidiskarte rin 'tong si Ehmil kay Kezh pero ang bruha, walang pake! Sarap sabunotan. Ehmil Gonzaga na yun, tatanggi pa siya? Wowwwww lang. Hanepppp.

"Magandaaaang umaga bespren!" Bungad niya nang makapasok siya sa bahay namin.

"Ang aga aga, nagngangangawa ka jan!!" Sabi ko.

"At ang aga aga ang init ng ulo mo! Hahahahaha anyare ha?"

"Kulang ako sa tulog. At gutom na 'ko kahihintay sa'yo kaya halika na't kumain na tayo!!"

"Ampucha! Bat di ka pa kasi naunang kumain?! Hahahahaha tsaka, ang aga mong nag good night kagabi, tapos puyat ka pa?! Nak ng! Umamin ka nga, anong ginawa mo ha? Ha?!"

"Inisip kita buong magdamag." Biro ko.

Tinaasan niya 'ko ng kilay saka siya ngumiti ng nakakaloko.

"So, iiwanan mo na ang pagiging joe-sa mo? Manliligaw ka na ba sa'kin ha?!" Sabi niya ng nakangisi.

*Tug tug, tug tug* Nak nampuchang puso. Ba't ganito 'to? Eeeeeehhhh isang malaking yuckiness pag naging kami noh!!!

Di ako nakasagot sa sinabi niya dahil sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Na di ko naman alam kung bakit nagkakaganito.

"Woiii! Tameme nanaman?! Hahahahaha! Ano baaaaa? Wag mong sabihin, pinag-iisipan mo ng seryoso yung sinabi ko?" Sabi niya at tinaas taas pa ang mga kilay niya. Baliw talaga.

"Pag ako sineryoso yang mga biro mo, hinding-hindi ka na makakawala sa mga bisig ko." Seryoso kong sabi sakanya at halatang nagulat siya sa sinabi ko. Ako rin nagulat e. Di ko alam kung san ko napulot yun. Hahahahaha!

"Oh edi ikaw naman ang natameme ngayon? Tamemehan nalang tayo o hahayo na't kakain? Para makapag-mall na? Baklang 'to! Cinoconfuse pa pagkatao ko! Tara na!!" Sabi ko sakanya saka ko siya iniwan sa salas at pumunta na 'kong kusina.

"Ano ba yan! Kala ko pa naman! Hahahahahaha hoy gago! Antayin mo 'ko!"

Habang kumakain ay nagkwentuhan kami. Ano inaasahan niyo, matatahimik dito gayong andito 'tong babaeng 'to? Ha! Asaaaa. Isali mo na rin si mama na sobrang natutuwa kay Keziah. Kuntsabahin ba naman si Kezh na gawin akong lalake? At eto namang babaeng 'to, sinasakyan ang trip ni mama. Nakakaloka!!!

Nang makaalis si mama ay kwinento ni Kezh ang naging date nila ni Ehmil kahapon. Nanood raw sila ng movie, tapos kumain ng dinner sa Greenwich. Kung ano ano raw ang mga binibigay ni Ehmil sakanya. May bouquet, at tsokolate pa raw mga bakla! Eh etong ating bida ay parang di na-appreciate yun.

"Hoy umamin ka nga sa'kin..." sabi ko.

"Mmm?"

"Walang pag-asa si Ehmil sa'yo noh?"

"Mmmmm. Yun nga e. Parang wala."

"Anong parang wala?! Kung wala, wala talaga! Ba't di mo pa pahintuin?"

"Woii kung alam mo lang? Last week sinabi ko sakanyang itigil na niya 'to." Seryosong sabi niya.

"Last week? Eh di ba't nag date kayo kahapon? Ba't ka sumama pag ganun?"

"Nagmakaawa e. Kesyo birthday naman raw niya this week. Kahit yun nalang raw ang gift ko sakanya."

"Ay oo nga noh? This week nga pala birthday niya. Eh bakit hindi ka niya niyaya sa mismong birthday niya?!"

NO IDEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon