SLM #3: I love you Goodbye..🥀

2.7K 12 1
                                    

Mahal,

    Kung nababasa mo man ito  panigurado. Malayo na ang nilakad ko palayo sayo. Mahal kita pero may mga bagay na dapat bitawan na. Kasi ang sakit sakit na. Ang hirap na. Alam ko na kapag pinagpatuloy pa natin to alam kong  mas  nasasaktan pa tayong dalawa. Hindi naman tayo aabot sa ganito kung mula pa ng una pareho nating inalagaan ang relasyon na binuo nating  dalawa. Alam kong  masakit.. Alam Kong Hindi ko kakayanin... Alam kong  mamimiss kita... Alam kong  hahanaphanapin kita.. Dahil nga mahal kita. Pero makakatulong ang ispasyong ito  para matuto tayong dalawa.. Makita ang  halaga ng isat-isa. Sana sa pagbitaw ko. Ang gusto ko lang ay sana maging  maayos  kana. Sana mahanap mo ang sarili mo. Kung nasasaktan ka hindi kita pagbabawalang umiyak. sige iiyak mo lang. Dahil alam ko iyan ang makakatulong sayo para maibsan ang sakit na ibinaon ko sa puso mo. Alam ko sa ngayun galit kana sakin. Kasi iniwan kita. Darating din ang araw na paggising mo sa umaga dala mo ang mga ngiti sa iyong mga labi at magpapasalamat ka sakin. At kung mabigyan man ng pagkakataon na tayo'y magkita muli. At madugtungan ulit ang istoryang minsan ng nasira. Pinapangako ko sayo sa pangalawang pagkakataong mabuksan muli ang yugto ng ating  pagibig. Handa  na ako at dala ko ang matibay na pundasyon na nakuha ko magmula ng araw na hindi kita kasama. Oh sige na bago ko tapusin itong sulat ko na ito. Gusto ko lang sabihin na Mahal kita......



______________
Pero Paalam na

Sweet Long Message  | JL StuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon