SLM#13 Unblocked 💔

766 4 1
                                    

Mahal,

Kamusta kana? Hindi mo ba ako namimiss? Mahal wag kana magalit please? Alam ko may problema ka sakin. Pagusapan naman natin to oh? Wag naman yung ganito? Hindi mo ba Alam kung gaano ako nasasaktan sa bawat araw na lumilipas na wala ka at Hindi man lang kita nakakausap. Sorry kung ano man yung nagawa ko. Patawarin mo na ako. Makikinig ako mahal sa ano man ang sasabihin mo. Mahal Hindi ko kayang wala ka. Ikaw ang inspirasyon ko sa bawat araw na dumadaan sakin. Mahal kita at Hindi yun nagbabago. Mahal gusto mo ba ng ice cream? , cake? Or gusto mo ba dalhan kita ng favorite mong adobo? Mahal kita at handa kong gawin ang lahat maging okay ka lang. Sana mabasa mo itong message ko sayo. Nakichat lang ako sa iba. Kasi binlock mo na ako e. At sana naman mahal wag mo na sana na pati sa puso mo na ka block narin ako. Mahal wag kana magalit. Tutugtugan kita ng yukilele. Nagaalala ako sayo palagi dahil wala man lang akong balita sayo. Panu ko makikita mga magagandang pictures mo na bumububay sakin kung bin-lock mo na ako? Hindi kaba naawa sakin? Miss na miss na kita.. Please wag mo na ako tiisin oh. Oo na panalo kana suko na ako hindi ko kaya matiis na hindi kita nakakausap mahal sabi mo swerte ka kasi ako pinili mo? Bahala ka baka hindi mo alam the next day may mangyari sakin na hindi maganda. Matitiis mo bang huli na ang lahat bago mo ako pansinin? Pano na ikaw sino na magaalaga sayo? Sino na magpapangiti sayo sa tuwing malungkot ka?. Kaya mahal sorry na... Please Unblock mo na ako... Ha. I love you...

_______
Unknown

Sweet Long Message  | JL StuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon