CHAPTER 13: PAIN

38 5 0
                                    

Malraux’s POV

Natapos na ang isang linggo at masaya ko namang nakasama sina mommy, Mags at Mharj. Si Mharj palaging kasama si AJ. Halos hindi na sila mapaghiwalay. Si Magui? Hindi ko masabi kung okay lang ba siya o hindi. Araw araw nandito si AJ sa bahay at para sakin hindi yun okay. Nagfocus na din si Magui sa pag aaral niya, palagi ko siyang hatid sundo at binabalitaan niya naman ako araw araw.

*Dingdong!!!!*

“Ako na magbubukas.” Dumiretso ako sa pintuan at agad itong binuksan.

“Goodmorning kuya.” baduy naman neto. Maka kuya.

“Malraux nalang. Nakakabading yan bro.” nginitian ko siya at sumenyas na pumasok na sa loob.

Agad naman siyang sinalubong ni Mharj na kanina pa nasa kwarto niya na nag-aayos. Kung tutuusin hindi na kailangan ni Mharj ang maraming kaartehan sa mukha dahil maganda na siya. Pero dahil kay AJ nagkakaganyan siya.

“Jey. Ipagluluto ulit kita ha? Mukang paborito mo na yung sinigang ko ha!” nakangiting sabi ni mommy. Anak na ang turing ni mommy kay AJ. Pati si daddy kilala na din ni AJ.

“Ta. May kasama po kasi ako.” sambit ni AJ at agad naman kaming tumingin sakaniya.

“Sino Jey? Ok lang! Kahit ilan pa yan! Hahaha!” tawang tawa na sabi ni mommy.

“Tita. Huwag po kayong magalit ha?” sabi niya at inakbayan pa niya si mommy. -___-’’

Nakakunot ang noo naming lahat at nakatingin lang sakaniya. Naghihintay kung sino nga yon. Lumabas siya upang sunduin ang kasama.

“Omg! PJ!” sigaw ni Mharj sa lalaking papunta dito.

Halos nakayukom na ang kamay ko nang makita ko ang lalaking yun. Si Jake.

“Oh! Jake! It’s been some time! I miss you na! Wait I’ll call her, wait hehehe!”

Agad ko namang pinigilan si mommy nang aakyat na siya.

"Mhy. Baka natutulog pa yon. Ako na po."

Tumingin ako ng masama kay Jake at agad niya naman itong ikinagulat.

Halos mapatingin kami sa taas nang nakita namin si Magui na pababa ng hagdan, habang nagsusuklay. Sige maglaway kayo sa kapatid ko. Pati si AJ ay hindi napigilan tumingin sa pababang si Magui. Naka black jeans lang siya at sleeveless na color white, kita pusod. Ngayon ko lang rin siya nakitang nagsandal. Maging ako ay hindi maalis ang tingin kay Magui. Muli ko naman tinignan si AJ na tinapik ni Mharj dahil halos nakatunganga na siya.

"Wow. Phie! You look so gorgeous!" sigaw ni mommy.

Tumingin naman si Mags sa lahat. Una si mommy. At ako nginitian ko lang siya. Nang mapunta na ang mga mata niya kay Jake ay tinignan ko agad siya. Nagulat rin ako dahil hindi man lang siya nagulat na nandito ang MGA ex boyfriend niya.

Bumalik agad ang tingin niya kay mommy at.

"Thanks mommy!" masigla niyang sinabi. Niyakap pa niya si mommy.

"Hey. Pwede ka na gumalaw bro." asar ko naman kay Jake at halos nagulat niyang inayos ang sarili. Tumawa naman ng bahagya si Magui.

Inabot ko ang kamay ko kay Magui at may kasama pang luhod na para bang siya ang prinsesa ko.

"Mais. Gwapo ka na at kailangan mo pang magpagwapo kaya mag-ayos ka na't may pupuntahan tayo." hinatid niya ko sa hagdan at umakyat na ko para magpa GWAPO. Kasi GWAPO naman na daw ako. Hehehe! Gwapo ako!

I Exist (COMPLETED) Where stories live. Discover now