CHAPTER 25: I EXIST

40 4 0
                                    

Phie's POV

Sa wakas ay nakarating na rin ako. Pagdating ko ay agad kong hinanap ang mga tauhan ni SB.

"Ms. Sy." nagulat naman ako sa pagkuha nila sa mga maleta ko.

Sinakay nila ako sa isang itim na limousine. Puting puti sa loob. Medyo mahaba haba rin ang byahe at nakarating rin kami sa Mansyon ni SB. Bago na naman ang kaniyang mansyon hindi gaya ng napuntahan namin dati.

"Let's go." utos nung isang kasama ko at pinaligiran nila ako.

Pagbukas ng pintuan ay marami nang naka abang na guards at maids. Tss. As if naman titira ako dito! No way!

"I'll take you to your room Ms. Sy but first go to Seriousblack. He's there." tinuro naman niya ang isang kwarto. KULAY ITIM ULIT. Kamatayan ka!

Dumiretso agad ako doon at kumatok. Hindi ito nakasara kaya pumasok na 'ko.

"Seriousblack." nakatalikod siya sa akin.

"Namiss mo ba ang Canada?" seryosong sabi niya habang pinaglalaruan ang mga susi sa kamay niya.

"Opo. Pero mas namimiss ko pamilya ko."

"Handa mo na nga bang pagbayaran ang ginawang kasalanan ng tatay mo SY?"

"Magui Phine ho."

"Magui Phine or Areeyah. I don't care. I want to call you SY. Wala kang magagawa." ani niya.

"Pero..."

"No buts. Go to your room. Here's the key." hinagis niya naman sa 'kin at mabilis ko iyon sinalo.

"By the way SY. Mag ayos ka na ng sarili at ilang oras nalang ay maghahapunan na."

"Hindi pa po ako gutom SB."

"Isa 'yon sa mga rules ko dito sa bahay na to. Kaya sa ayaw mo o sa hindi. Susunod ka."

"Sige." walang ganang sagot ko.

Hinatid na 'ko ng iba niyang maid sa kwarto ko na katapat mismo ng kwarto ni SB! Hay.

Tinawagan ko naman agad si Kuya Malraux.

"Phie! Okay ka lang ba dyan? Ano? Kelan daw? May time pa ba para makapaghanda ka?" walang tigil na tanong ni kuya.

"Buhay pa 'ko. Ayaw niya 'ko pabalikin sa Cornwall. Ayaw niya ring lalabas ako. At may mga rules siyang dapat naming sundin. Tss." sabi ko naman.

"Phie! I miss you na! Huhuhu! May iku-kwento dapat ako eh! Kaso wag nalang dahil alam kong busy ka dyan."

"Lol Nix. I'll find time don't worry. Kamusta sila mommy? Asan sila?"

"May meeting sila ngayon sa isa nilang kliyente. San ka pala titira?" tanong ni kuya.

"Dito rin."

"Sige na. Mag ingat ka palagi jan. We miss you bunso." hindi ko na sila sinagot at ibinaba ko na agad. Alam kong mas lalong magiging emosyonal na naman 'pag pinagpatuloy ko pa.

Natinag ako nang may kumatok sa pinto.

"To the kitchen Ms. SY." ani niya.

Sinara ko na ang kwarto at inayos ko na sarili ko.

Pagkadating ko sa kusina nila ay walang tao. Tanging si SB lang at... Ako?

"Hindi po ba sila sasabay?" tanong ko.

"No." diretsong sagot niya.

Nanahimik nalang ako at kumain. Nakahanda na ang pagkain at para bang may salo salo eh dadalawa lang naman pala kami.

Tinitigan ko si SB habang kumakain. Seryosong seryoso ang muka. Para bang badtrip palagi.

"Huwag mo kong titigan. Ubusin mo lahat yan." ani niya na agad naman ikinalaki ng mata ko. WTF?

"H-ho? L-lahat po 'to?" nauutal na sabi ko. Halos mabilaukan na ko pakshet!

"Is there any problem with that?"

"Hindi ko po kaya SB." ani ko.

"Sige. Ipapatapon ko nalang." eh?

"P-po? Sayang naman." pababang boses na sabi ko.

"Seriously SY?" nagulat ako dahil masama na ang titig niya sa 'kin.

"A-ahh. Opo. Sige po ako po magsasabi na itapon nalang po nila."

"No. Come to my room tomorrow morning. Goodnight." at tumayo na siya. Naiwan lang akong nakatulala.

KINABUKASAN

Nagising ako ng marinig ko ang cellphone kong nagriring. Hindi ko naman yun nilagyan ng alarm ah? At hindi pa tatawag sila kuya ngayon. Paanong...

Halos mapabalikwas ako ng pagkakahiga nang makita ko si Seriousblack na nakaupo sa gilid ng kama hawak hawak ang cellphone ko!

Kinusot kusot ko ang mata ko upang makasiguradong siya nga ito! Pakshet siya nga!

"Seriousblack." tumayo ako at yumuko sakaniya.

"What time is it?" bumuntong hininga lang siya.

Tinignan ko ang oras na nasa gilid ng cabinet at nagulat ako dahil 10am na pala! Putcha naman Phine! Putcha!

"Seriousblack. Patawad ho. Hindi po ako sanay."

Tumayo siya at lumabas ng kwarto.

Teka...

Kasama ng cellphone ko!!!!! >_______<


AJ's POV

Ilang araw na rin ang lumipas ng pumuntang Canada si Phie. Mula rin non ay hindi na matahimik kaluluwa netong si Nix at Jake. Lol.

"Nag aalala ako kay Phie eh. Hindi pa daw siya tumatawag kay kuya hanggang ngayon." malungkot na sabi ni Nix. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Ha? Eh anong nangyari? Bakit hindi pa natawag?" ani naman ni Jake.

"Jake hindi nga tumawag diba. Malay namin." Nix.

Mula rin nung natapos ang debut nila Nix ay hindi na muling nanggulo ang IT GIRLS. Hindi ko alam pero parang takot na takot na sila. Tuwing nakikita nila si Nix ibang iba na mukha nila. Ano ba talagang meron.

Umuwi na si Jake at kami naman ni Nix ay pumunta muna sa bahay. Byernes ngayon kaya okay lang.

"Goodafternoon Miss Vida." nakangiting sabi ni Nix kay mommy.

"Goodafternoon. Pwede mo naman akong tawaging tita iha. Nandito tayo sa bahay. Feel at home ka lang ha?"

"Hehe. Sige po... tita." ani naman ni Nix na parang nahihiya pa.

"Maiwan ko muna kayo. Nagpalit lang ako. May seminar kami ngayon sa La Union. May tiwala ako sa inyo ha? Ingat kayo." mommy.

Tinanguan ko lang siya at hinalikan.

Naiwan kami dito ni Nix. Nakaupo lang siya. Nakatulala.

"Alam mo. Madalas kami sa La Union dati. Pagkadating namin galing Canada. Dun kami pumupunta." nakangiting sabi niya.

"Nandun kase ang lola namin. At ang Poro Point. Kay daddy yun. Ang saya nga 'pag andun kami eh. Naglalaro lang kami nila Phine at Malraux." pagpapatuloy niya. Nakita ko naman siyang umiiyak.

"Why are you crying?"

"Because it hurts. I really miss her."

"I don't understand you. Babalik siya Nix. Why are you guys acting like that? Napakamisteryoso niyo pagdating sakaniya. Para bang mamamatay na siya."

"Kung pwede ko lang ipaliwanag pero hindi eh. Sorry AJ." ani niya.

Niyakap ko siya at iniharap sakin. Ibinaba ko ang ulo ko at inilapit ang muka sakaniya habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya.

"Andito lang ako. I love you." ikiniskis ko ang ilong ko sa ilong niya. At unti unting naglapit ang mga labi namin.

Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang labi niya. Sa pagkakataon na 'to, may kasama ng pagmamahalan ang halik namin.

Nagulat ako nang mas dinidiin niya ang labi niya sa labi ko. Maging ako ay nagugustuhan ko na rin pero kailangan ko 'tong pigilan. Hindi pa ito ang tamang panahon.

"Nix." paghahabol ko ng hininga.

"I'm sorry. I love you." at muli niya kong hinalikan. Sa pagkakataong ito hindi ko na napigilan ang sarili kong sunggaban ang halik niya.

Natinag kami sa isang tunog ng camera. Mabilis na tumakbo ang isang tao na nasa bintana. Tinangka kong habulin pero mabilis ang mga galaw nito.

Shit. Who the hell are you?!

Facebook: Christine Black WP

Instagram: christinenmc
Twitter: blacktinwhite_
Wattpad: blacktinwhite
Snapchat: blacktinwhite

I Exist (COMPLETED) Where stories live. Discover now