CHAPTER 48: I EXIST

50 3 2
                                    

Moodswings. Di pa po eto ang huling chapter. Charot lang 'yon. Hahahaha! So my Magui is back! Enjoy reading!

Magui Phine's Point of View

Dalawang linggo na 'ko dito sa Canada. Araw araw akong pabalik balik sa mansyon ni SB pero masyadong mahigpit ang seguridad.

Nakahanap din naman ako kaagad ng trabaho bilang waitress sa isang fast food chain dito. Walking distance lang siya sa bahay namin kaya nama'y naging ehersisyo ko na rin ito sa araw araw.

Mag isa akong namumuhay sa bahay namin. Walang nag aalaga tuwing may masakit sakin. Agad ko din naman tinatawagan si Kuya kapag may sakit ako at nandyan siya para payuhan ako sa mga iinumin ko.

*Kuya Malraux is calling..*

"Phine. Kamusta? Kanina pa kita tinatawagan. Anong nangyari?"

"Kuya alam mo naman na may trabaho ako kahit sabado. Kaya ko naman sarili ko."

"Sigurado ka? Nagpunta dito si Christine. Hinahanap ka. Gusto niyang sumunod dyan."

"Sige kuya. Tatawagan ko nalang siya. Kayo dyan kamusta?"

"May plano silang mag-Tagaytay pero sabi ko 'wag muna hangga't wala ka rito."

"Kuya. Okay lang naman eh. Susunod nalang ako. Marami pang time para magbakasyon tayo doon ng sama sama. Eto naman!" tumawa ako.

"Miss ka na namin eh."

"Sus. Miss ko rin naman kayo eh. Sige na kuya. Kailangan ko nang magpahinga dahil maaga pa 'ko bukas."

"Osige. Nakasarado na ba lahat ng pintuan? Yung mga bintana? Yung ilaw. Tignan mo rin yung stove mo. Tanggalin mo lahat ng saksakan."

"Chill. Hahahaha! Yes po kumander. Bye. I love you!"

"I love you more bunso. Take care!"

Agad ko nang pinatay ang tawag at nag ayos na muna bago matulog.

Winter ngayon dito sa Canada dahil pasko na kaya mahirap talaga mamuhay rito araw araw. Hindi madaling dumaan sa mga yelo. Minsan din sa sobrang kapal ay ginagamit ko nalang ang kotse ko para pumasok sa trabaho.

Linggo bukas at hindi ko parin alam ang plano ko. Parati na 'kong nasa labas. Nagbabakasakaling magkita kami. Pero wala. Wala akong nakitang seriousblack.

Mahal. Nasaan ka na?
Kay tagal na kitang hinihintay.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha sa 'king mata. Dalawang taon na ang nakalipas ngunit ang sakit sa puso ko ay wala nang balak pa maghilom. Na para bang kahapon lang ito nasugatan.

Walang gabing hindi ko siya napapanaginipan. Minsan hindi na rin ako nakakapagseryoso sa trabaho kakaisip sakaniya.

Sa pag iisip ay nakatulog na rin ako.

*kinabukasan, linggo. 07:00am*

Ang aga kong nagising ngayon. Kahit alam kong linggo.

Agad akong dumiretso sa kusina at nagtimpla ng kape. Dahan dahan ko rin binuksan ang malalaking kurtina at nakita kong umuulan ng nyebe.

Uminom ako ng kape ko habang nakatingin sa labas nang...

*ding dong*

Nagulat ako sa narinig ko. Walang ibang nakakakilala sakin dito pero bakit. Bakit?

I Exist (COMPLETED) Where stories live. Discover now