CHAPTER 36: I EXIST (La Union)

45 5 0
                                    

Phie's POV

Where do broken hearts go? La Unioooooooon!

Maaga akong gumising dahil ngayon na kami magbabakasyon sa La Union! Yey! Miss ko na si Lola Feda at Lolo Jun. Mama at Papa yun ni Daddy. Close na close ko sila lola, lalo na tuwing nagbabakasyon kami nung nasa Canada pa kami eh sa La Union kami didiretso.

Sinabi ko na rin kina Mom and Dad ang plano ko kay Jake. Dalawang kotse lang ang gagamitin namin. Ang sasakay sa isang kotse ay sina Mom, Dad, Pheonix, AJ at Jake. Sa kotse naman ni kuya kami ni ate Clariz lang. Nauna silang pumunta kaya hindi ko na naabutan si Jake.

"Wala ka na bang naiwan?" tanong ni kuya.

"Ops. Yung puso mo baka maiwan." ani naman ni ate Clariz. Problema nila? Haha!

"Feeling ko nga nahuhulog eh. Hahaha! Kinakabahan ako." ani ko.

"Tss. 'Wag ka masyadong kabahan." kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni kuya. Hay. Ewan ko ba parang may ibang mangyayari eh.

"Mauuna sila Jake sa bahay nila Lola Feda. Sinabi kong itext ako ni Nix kung okay na." kuya.

"Eh? Dun pa talaga? Hindi ba pwedeng sa Thunderbird nalang?" sabi ko.

"Hindi tayo mageenjoy 'pag dun mo pa uumpisahan yang pinaggagagawa mo."

"Love grabe ka naman. Kala ko ba support tayo kay Phie?" sabi naman ni ate Clariz. Huhu. Oo nga. Ano ba kasing nangyayari dito kay kuya?

"Tss. Just stick with the plan. Maghintay nalang tayo."

Nanahimik nalang ako.

"Hey. Phie." yugyog sakin ni Kuya. Whut? Andito na pala kami. Nakatulog ako.

"Okay na ba? Lalabas na ba 'ko?" tanong ko.

"Yes. Let's go. Are you ready?"

"Not yet. Kakagising ko diba?" masungit na ani ko.

Umalis siya nang padabog. Seriously? Kuya ko pa ba tong kasama ko?

Habang nag aayos ay nakita ko ang itsura sa labas. Wow. Wala pang store sila Lola Feda dati pero ngayon may mini grocery na sila dito. Dalawa lang ang anak nila Lola Feda at Lolo Jun. Si Daddy lang at si Tita Jess Shyca. May anak si Tita Jes, si Zach. Kaedad ko lang siya. Crush nga ako nun eh. Panay ang kulit sakin tuwing nagbabakasyon kami dito. Hahaha. Pero matagal na rin kaya feeling ko binata na 'yun ngayon. Excited na kong makita siya! *^___^*

"Tara na? Eksena mo na."

Tumingin muna ako sa salamin bago bumaba.

Naririnig ko ang kwentuhan nila sa loob. Pinauna ko si kuya at nanatili ako dito habang nakikinig.

"Ma, Pa. Eto si Jake. Para 'to sa isang kambal ko."

"Si Penas? Nako. Asan na ba eyang batang 'yan. Ay mess na mess ko na siya."

Hahaha! Ang cute ni Lola Feda. Hinawi ko na ang buhok ko at pumasok na 'ko.

"Lola, Lolo." halos mapatayo si Jake nang makita niya 'ko. Bahagya ring nagulat sila Lolo at Lola. At silang lahat naman ay mukang tuwang tuwa.

I'm back.

Jake's POV

Isang oras lang ang byahe papunta dito sa La Union. Sa totoo lang eto palang yung first time na makapunta ako dito. Napakaganda ng lugar nila. Probinsya na probinsya.

I Exist (COMPLETED) Where stories live. Discover now