CHAPTER 21: I EXIST

48 3 0
                                    


Donna’s POV

That girl is so stupeeeed! Ugh! Hindi niya kilala binabangga niya! Me? Ako lang naman ang anak ng principal sa school kung san siya naka enroll! Kapal ng pagmumuka!

“Girls. We need to be prepare bukas.”

“Prepared.” pangsalat naman ni Zhea. So what!

“Whatever!”

“I need to go home. Hinahanap na ko ni daddy. Basta yan suotin niyo okay? See you there!”

Pagpapaalam ko at tska na ko umalis. Umuwi na ko at nakita ko si daddy na nakaupo sa sofa.

“Baby. May nabili ka na ba for tomorrow?”

“Pano mo nalaman dad?” nagtatakang tanong ko.

“I’m also invited. Hm. Ipapakilala kita sakanila bukas.”

“Kanino daddy?”

“Basta. Take a rest na. Kasama mo ko bukas sa party.”

Weird? Kanino naman niya ko ipapakilala? Ano bang meron sa debut nila at may ganyan ganyan pa! Psh stupeeeed!

You’ll pay for this, Phine. Gusto mo matulad sa kakambal mo? Well. Mukang nahanap ko na yata ang katapat ko.

Malraux’s POV

Maaga kaming nagising dahil gusto naming surpresahin ang kambal. Maaga rin pumunta rito kagabi ang magde-design sa bahay. Dito sa bahay gaganapin dahil malaki naman ito.

Pero isa lang ang dapat naming paghandaan. Si Seriousblack. Narito na siya. Ako mismo ang nag ayos sa blackroom niya. Tagong kwarto ito dahil nasa underground. Lalabas nalang daw siya kapag gabi na.

Kinakabahan ako para kay Phine. Hindi namin alam kung anong pwedeng gawin ni Seriousblack mamaya. Pero nakakasiguro naman daw si dad na wala siyang gagawin.

Talagang pinaghandaan ang debut nila. Mga may ari rin ng malalaking business ang dadalo mamaya from Canada.

Ang hagdan na pagbababaan nila ay punong puno ng dekorasyon. Black at Pink. Hinding hindi mawawala ang black dahil kay Seriousblack. Nakagitna ang hagdan kaya sentro talaga sila ng attraction mula sa ibaba. Inalis lahat ng sofa at inilagay ang mga lamesa at upuan. Malawak ang sala, isama mo pa ang pool area. May photobooth rin na si Clariz ang photographer.

Mula sa hagdan ay may Pink carpet patungo sa stage na naroon sa may sala. Napagitnaan ng mga upuan at lamesa.Na nakalagay, HAPPY 18TH BIRTHDAY MAGUI PHINE & MHARJ PHEONIX. May mga litrato rin silang andun. Mamaya pa ang handaan at breakfast palang pero may mga pagkain na rin.

“Kuya Raux.” dumating na sila AJ at Jake.

“Buti naman at nandito na kayo. Bababa na yata sila.” ani naman ni mommy.

Nginitian ko lang sila at umakyat na ko para salubungin ang mga kapatid ko. Inuna kong pinuntahan si Mharj. Kasalukuyan niyang tinutuwid ang kaniyang buhok. Nakasimpleng white t-shirt lang siya na may print na picture namin nila Mommy Daddy Phine at Ako na may kasamang short. At nakasandals siya. Kahit anong isuot niya bumabagay sakaniya.

“Malraaaaaaux! What the hell are you doing! Wala akong makita! Hindi pa ‘ko nakamake up! Hindi pa ko nakapalit oh!” pagiinarte niya.

Pinunta ko muna siya sa pagbabaan.

“Arte mo Nix. Dyan ka lang or else. Alam mo na.”

I Exist (COMPLETED) Where stories live. Discover now