A Song and Coffee

1.8K 44 8
                                    


BEA

And so, it was a few weeks like that.

Araw araw, every training either ihahatid si Jia ni Miguel sa gym or maghihintay hanggang matapos ang training. Sa school naman nakakasalubong ko sila minsan sa Gonzaga or paglilipat ng classrooms for other subjects.

Syempre, kahit masakit, I had to pretend. Smile dito, tawa doon, exchange pleasantries with them minsan, para di naman halata diba?

Pero ang sakit pala talaga,lalo na ang makita na napapasaya siya ni Miguel. Kaya ko rin sana gawin yun, kung hindi lang ako isang malaking duwag.

Katatapos lang ng laro namin, 4th game of the season, of course panalo kami. Nasa locker room ako, mag-isa, naghahanap ng masusuot kasi  nag-aya si coach, treat daw niya yung dinner.

Yung iba bumalik na sa dorm,mag kita nalang daw kami sa venue after 2 hours. I realized wala akong dalang matinong damit.

Haaay, I guess uuwi nalang ako, matagal pa din naman yung time.

Tatayo na ako when I heard the door to the room open, at pumasok si Jia, kasama si Miguel.

Shit! I was tired, wala na akong energy today para  mag pretend na masaya para sa kanya.

“Bea” she said when she saw me, and smiled.

Pinilit ko din ngumiti, “Hi Jia

Pretend nga diba?

“Hi Bea.” Bati naman  ni Miguel. Tinangoan ko lang siya and nginitian.

“Ikaw nalang ba ang naiwan dito?” tanong ni Jia sa akin habang lumalapit sa kina uupuan ko.

“Yep, umuwi na silang lahat to get ready…” I answered courtly, at kunwaring bucy sa pag aayos ng gamit.

“Maybe Bea can give you a ride Ji…” I heard Miguel say, so I looked up to them.

“Uhm Bea pupunta ka ba sa dinner later?” tanong ni Jia sa akin.

“Yep, mamaya pa naman yun diba?” sabi ko

“Ah oo, kaso ayoko ng bumalik sa dorm, ready naman din ako, pwede bang sayo nalang ako sumabay?”

Tiningnan ko siya, tapos si Miguel, like I was saying

Bakit di ka magpahatid kay Miguel? May kotse naman siya?  Tsaka nanliligaw yan sayo diba?

Na gets niya naman siguro ang ibig kong sabihin dahil bigla niyang sinabi na “Di kasi ako mahahatid ni Miguel kasi inaantay na siya for a family dinner.”

“Ah…” lang ang nasagot ko.

“Okay lang sa akin Ji, kaso I don’t have anything decent to wear dito, so uuwi pa ako to change…”

“Okay lang yun, I mean, pwede bang sumama nalang ako sa inyo?” sagot naman niya na nakangiti at parang na excite.

Hmmmmmmm, bakit ganun?

Si Miguel naman halata sa mukha na nagtataka din sa naging reaction si Jia at naka tingin lang ito sa kanya.

“Ah, sige… Let’s go?” aya ko sa kanya.

Nauna na akong lumabas ng locker room. Mahirap na, baka mag holding hands pa tong dalawa sa harap ko eh, napaka masokista ko na talaga.

I just watched them say their goodbyes and waited for Jia sa car nalang.

When she got in, I heard her immediately inhale “Hmmm, bango talaga dito, parang ikaw…” sabi niya habang naka pikit pa ang mata at naka ngiti.

Taking ChancesWhere stories live. Discover now