Valentine and Going Home

1.7K 45 9
                                    

JIA

Bilis ng panahon, parang New Year palang kahapon, bukas Valentine's day na.

Kaso, may game kami, so walang date date na magaganap. Nag aya naman si Miguel, sabi niya right after, pero alam kung pareho kaming di mag eenjoy kasi pagod ako niyan, for sure.

Napalingon ako sa study table ng tumunog ang phone ko.

From: Ate Ella

Ji labas kami for awhile, sama ka?

To: Ate Ella

Saan kayo te? And sino kasama?

From: Ate Ella

Kain :) with Beshies and iba pa.

To: Ate Ella

Di nalang te, busog pa naman po ako. Enjoy!


Di na siya nag reply, maya maya narinig ko na ang tunog ng sasakyan umandar.

Hmmmm, I'm bored...

Saan kaya si Bea? Malamang magkasam nanaman sila ni Jho, kanina la din wala yung isa eh...

Pakialam mo Julia?


Lately napapadalas pag hahanap mo kay Bea ah...

Nagbrowse nalang ako ng social media para ma distract, pero narinig kung parang may nag bukas ng pinto...

"Jho? Ikaw ba yan?" Tawag ko.

Wala namang sumagot

"Michifu...? Babe...?" Sabi ko ulit.

Shet ba't walang sumasagot?!


Babangon na sana ako mula sa pagkakahiga, nung biglang pumatay yung ilaw!

"Ahhhhhhhh! Sheeet memeng!"

Sa lahat ng araw na pwedeng mag black out! Ba't ngayon pa!!!

"Ate Ella! Ate Ly!" Sigaw ko...


Umalis pala sila! Ako lang ba talaga ang naiwan?!


Valentines naman po bukas hindi Halloween!!!!

Kinakabahan na ako, ilaw lang ng phone ko ang meron! Bababa nalang ako, baka may kandila sa kitchen.

Pero, sino kaya ang nagbukas ng door kanina!? Kumalma muna ako at nakinig for any sound...

After awhile, wala na ulit akong narinig! Ang tahimik ng buong dorm!
The silence was so creepy!

"Bwisit! Dapat talaga sumama nalang ako eh!" Nabulong ko nalang sa sarili ko.

Nag simula na akong tumayo, pupunta nalang talaga ako sa kitchen or lalabas ng dorm, parang mas maliwanag pa ang buwan eh.

Hinay hinay akong tumayo gamit ang ilaw ng phone para lumabas na ng room.


"Aray! Leche naman oh!" Tumama yung hinliliit ng paa ko sa gilid ng door! Bweset!

Binuksan ko na ang pinto at sumilip sa labas, Shems! Ang dilim ng hallway! Mas kinabahan pa tuloy ako!


Wala man lang kahit konting ilaw...


Hinay hinay akong naglakad papuntang staircase, nagmamatyag.

Nung malapit na ako sa base ng stairs, may na aninag akong parang ilaw ng kandila.

Taking ChancesWhere stories live. Discover now