Paperworks and Alarms

1.9K 44 2
                                    

JIA

The next day conditioning at drills lang ang pinagawa sa amin ni coach. Natuwa naman kami na sumali na sa training sila Maddie and Therese, pero walang Bea na nagpakita buong araw. I guess she decided to join the La Salle team.




Am I disappointed? Why? I don't even know the girl

Ang mga tanong na naglalaro sa isip ko buong araw.


Habang sa klase naman eh ganado ata ang mga Professor ko na magbigay ng assignments at biglang 4 na papers ang due ko for next week.



"Haaay..." napabuntong hininga nalang ako pagdating sa room namin sa dorm, after practice, at linagay ang bag ko sa bed.


Nakita ko si Jho at si Mich na nasa kanya kanyang bed, si Jho naka headset at natutulog, si Mich naman ay napatingin sa akin putting down the novel she was reading.

"What's up babe?" tanong niya "ang lalim ata nun ah..." she said smiling and patting the space beside her.

Lumapit ako at humiga sa tabi niya.

"Ang dami dami kong due na papers for next week. Di ko alam kung matatapos ko yun kasabay ng training Michifu..." malungkot kong sagot.


"Asus, ikaw pa? Eh ikaw na ang pinaka matalino sa atin lahat eh.." sabi niya, at biglang tumagilid para harapin ako.

"Tsaka, you love doing papers Ji, di ba sabi mo, it's a way to express your thoughts that you cannot say in words?"

Napangiti nalang ako,

How does she know me so well?

I snuggled close to her and gave her a big hug, "Thanks Mich" bulong ko. At tumayo na ako to start with my paperworks.





BEA

"Nanay Cecile!!!" malakas kung sigaw galing sa kwarto habang nagmamadaling bumangon mula sa kama ko at inabot ang phone ko from the bedside table.

Kasabay noon ay ang biglang pagbukas ng door ng room ko at pumasok si Nanay Cecile na humihingal pa.

"Bakit?! Anong nangyari? May sunog ba?!" tanong niya habang nakahawak ang isang kamay sa dibdib.


"Nay 6:30am na!" natataranta kung sagot, while trying to get myself ready.

"Alam kung 6:30 na Bea, sa tanda kong to marunong naman akong tumingin ng relo!" naiirita niyang sagot.

"Tsaka, wala ka namang pasok ngayon, ano ba ang kinkataranta mo?"


"Eh!!!!" padabog kung sagot. Dapat ay pupunta ako ngayon sa Ateneo para manuod ulit ng practice nila. Pero it's too late to go, wala na akong maabutan dun.

Umupo nalang ako sa sofa near my bed.

"Haaay.." buntong hininga ko. "Bakit di mo ako ginising Nay?" I whined like a little kid.


"Hala ka! Hindi ka naman nagbilin na magpapagising ka. Tsaka may alarm naman yang cellphone mo" sagot niya, at tumabi sa akin sa sofa.

"Eeeeeeeee! Pano na yan? Di pa naman din ako makaka punta mamayang gabi kasi magdidinner sila Tita dito..." parang bata kong sagot, at sumandal na lang ako sa balikat niya.


Hindi naman talaga ako galit kay Nanay, more on disappointed on myself kasi hindi ako makakapunta.

"Sus, marami pa namang practice ah!, Tsaka, di ka pa naman sigurado na dun ka na diba?" sagot nito habang marahang nilalaro ang buhok ko.


"Hindi pa, pero gusto ko siyang makita" pabulong kong sagot.


Si Jia. Ewan ko ba, she was the last thing on my mind before I fell asleep and yet siya pa din pag-gising ko. I wanted to see her na ulit, kaya I planned to watch the practise again this morning, pero eto na nga, late ako nagising.



"Kaya pala ha, sino "siya"?" biglang tanong ni Nanay. Kahit hindi ko siya nakikita alam kong may nakaka-asar na ngiti si Nanay.


Hindi ko siya sinagot. Alam ko namang di niya ako titigilan kung sasabihin ko, ganito talaga kami. She has been with us since Kuya was born, and since then naging katuwang na siya nila Mom and Dad sa pag-aalaga sa amin. She is more than a kasambahay, she is already a family. At dahil sa tagal na niya sa amin,she easily knows how to read me.



"Naku Bea," nakangiting niyang pang-aasar. "Ayaw pa sumagot, minsan ka lang maging ganyan ha..." at tumayo na siya.

"Malalaman ko din yan, pero sa ngayon, mag breakfast ka nalang, dahil wala na tayong magagawa." Tapos lumabas na nga siya sa room ko, at padabog naman akong sumunod.











A/N: Sorry if medyo short lang. We'll give our heroes time to miss each other muna... Paramdam naman kayo please! 😁😁

Taking ChancesWhere stories live. Discover now