Tapes and Process

1.5K 47 6
                                    

BEA

After that beach incident, sinusubukan ko nang ituring na "kaibigan lang" si Jia. Kahit mahirap, alam ko naman para sa ikabubuti nang lahat kung kakalimutan ko na itong nararamdaman ko para sa kanya.


1 week of class and I was free. Sa Japan kami mag cecelebrate ng Christmas, mabuti na din yun, may reason akong magpaka layo layo muna.

"Beh! Mamimiss kita!" Madramang sabi sa akin ni Jho habang nakayakap sa akin.

Nasa kama niya kami sa dorm, dumaan lang ako para mag paalam.

"Awwwee, how sweet naman" at kinurot niya talaga ako sa tagiliran!

"Haha! I'll miss you too beh!" Sabay akap din sa kanya.

Saka namang pag bukas ng pinto at pagpasok ni Jia. Nung nakita niya kami, natigilan siya sandali, pero naka bawi agad.


"Oi Bea, andito ka pala." Sabay upo sa kama niya. Hindi siya sa mukha ko nakatingin, kundi sa mga kamay ni Jho na naka pulupot parin sa akin.

"Iiwan na ako ni beh!" Pagddrama naman ni Jho. Tinaasan lang kami ni Jia ng kilay.

"Ah, eh.. I'm leaving for Japan kasi. I'll be spending the holidays dun. I just came here para magpaalam."

"Ahhh..." lang ang una niyang naisagot.

Ano yung expression niyang yun? Lungkot?


Bea! Wag mag assume! Kaibigan lang remember?

"Ingat ka dun Bei, and enjoy your break..." sabi niya, at agad akong binigyan ng pilit na ngiti.


"Sige, baba muna ako." At umalis na nga siya.


"Okay ka lang beh?" Tanong ni Jho.


Alam kong kanina pa siya nakatingin sa akin, pilit binabasa ang expression ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Ano ka ba beh! Okay lang ako noh!"At yinakap ko na ulit siya.

Thank God for a friend like her.

"Sabi mo ha..." bulong niya habang naka yakap din sa akin ng mahigpit. "Pasalubong!"


"Hahaha, kahit kailan ka talaga Maraguinot!"




Japan

Ang ganda dito! Ang lamig. Araw araw iba ibang lugar ang pinupuntahan namin. Ang daming lugar na pwedeng pasyalan, at least dito distracted ako, hindi palaging nagmumukmok.

Madalas ko pa rin naman ka chat si Jho, at updated din naman ako sa mga happenings sa social media.

Oo na, ini-stalk ko din si Jia syempre! Hindi naman agad agad ang moving on process diba?! Wag atat!

Nakikita ko nga ang mga post niya with Miguel na halos araw araw bago, at syempre, may kirot pa rin. Buti nalang malayo ako, walang makakakita ng kalungkutan ko ngayon.

"Hui! Nang iistalk ka nanamam jan!" Si kuya, sabay akbay sa akin

"Tsismoso mo talaga!" At inirapan ko lang.

"So, ano na?! Nagtapat ka na ba?" Tanong niyang natatawa.

Nasa cafe kami ngayon, we wanted to give Mom and Dad time for themselves kaya humiwalay muna kami.

Taking ChancesWhere stories live. Discover now