A/N hello dahil sa mga feedbacks nyo na inspire ako ituloy na lng ^__^ thnx sa inyo
so ito nga dedicate ko sa waffu kung anak si lovekosimica :)
ASH (POVS)
Senior High School
First day of school. Pagpasok ko nakita ko siya agad. Aba! Hindi late ah. Ang gwapo pa rin niya. Heaven! Wow! :))
Dahil last year ko na sa school, napagdesisyunan kong tumakbo sa Student Council. Ayun. Suportado naman nila ko. At take note pati si Pat suportado ko.
Syempre, habang pinapakilala ang mga candidates para sa Miting de Avance dapat may gimik. Kaya naman ang naisip ng Adviser namin na si Cho, partneran niya ko. Ayun. Rumampa lang naman kaming dalawa ni Pat sa harap ng madlang people ng aming school. And take note andun yung ate ko.
Kinagabihan, pag-uwi ko sabi ng ate ko may surprise daw siya. Syempre ako akala ko kung ano na. Yun pala. Ang passport picture ni Papa P. Yun lang naman ang first picture niya sa'kin kaya syempre, tinago ko. Actually hanggang ngayon, andito pa siya sa wallet ko kasama ang iba pa niyang picture.
Naging close kami lalo na pagkatapos ng miting de avance. Hinahawakan niya parati kamay ko. As in holding hands, tapos mangyayakap na lang bigla. Hindi yun normal dahil una sa lahat alam niyang may gusto ako sa kanya. Alam ng lahat ng nasa school na crush ko siya. Minsan mag-uusap na lang kami tas biglang kukurutin ang pisngi ko. Cute ko kasi eh. Ayy Sorry. :">
A/N) weeeeeeee ikaw na cute sus kilig ka lang eh :P)
tseeeeeee author naman eh nagmomemnt ko dito nangugulo ka povs ko ito eh sssssh ka
lang ^___^ inlove ako eh bakit ba my angal?
A/N) wala sige na pagpatuloy mo lang -__-
Maraming incidents na akala mo kami na. O akala ko lang. (Kayo naman kasing mga lalake. Please lang ha. Umayos nga kayo. Wag kayong ganyan. Nag-aassume kami eh. Hindi naman mawawala kung ganyan kasi kayo kasweet samin. Tapos tatawagin niyo kaming assuming!)
Nainis ako sa kanya kasi nalaman ko isa pala siya dun sa mga naninigarilyo sa likod ng school. Oo, mababaw pero kasi under ako ng organization ng school na under ng guidance. Alam ko mga pwedeng punishments if ever na mahuli siya. Kaya ayun. Hindi ko siya kinausap ni pinansin ng ilang linggo. 1 buwan pa nga ata eh. Basta. Hanggang sa nahalata niya na yata. Okay lang din naman mukhang naging busy naman din siya kay Tricia, isa sa mga may crush sa kanya. Okay na rin yun. Pero dumating yung araw na hindi ko na kayang tiisin siya.
Tinanong niya ko kung kamusta na raw ako, hindi ko na daw siya pinapansin. Syempre, hindi ko naman masabi sa kanya na kaya ganun kasi naiinis ako na naninigarilyo siya kasi baka sabihin niya nangingialam pa ko. Ano ba ko sa buhay niya? Ano nga ba? Diba wala naman? Hindi niya ko girlfriend, hindi niya rin ako kaano-ano. Crush ko lang siya. Kaibigan niya lang ako.
Hanggang patapos na ang school year. This time. Maghihiwalay na kami. Hindi hiwalay na as in break up pero hiwalay na as in hindi na kami magkakasama next year. Dahil college na kami. Magkaiba ang papasukan namin at malayo pa yung university na papasukan namin sa isa't-isa.
A/N: sensiya kung my mga typo ako or mga mali :) i'm just trying to wrote this story so sana
suportahan nnyo pls vote/like/comment ^_^
ummersoo22 #
BINABASA MO ANG
Slow Mo Pre Mahal Nga Kita As In Mahal Na Mahal Kita
Teen Fictionlahat tayo ay ngka crush hndi man karamihan pero iba si ashley kasi marmai siyang crush isama pa nya ex nya crush pa din nya twing my nkikita siya tinatnung nya sa besdtfriend nya si Ted kasi aminado siya crush nya si patrick panu if 1 day hndi na...