Two
.............................................................
Sy's POV
Isang malamig na hangin ang agad na sumalubong sakin pagka labas ko ng library.
Grrrrr. Ang lamig.
Ngayon ko lang napansin. Ginabihan pala kami sa loob.
Napadungaw ako langit.
Walang buwan o ni isang bituwin kang makikita. Marahil dahil sa mga makakapal na ulap na tumatakip dito. Na para ilang oras o minuto bubuhos ito ng malakas na ulan.
"Parang uulan ata. Gusto mo sumabay nalang sakin pauwi?" Biglang tanong ko sa kasama ko habang nakatingin parin sa langit.
Mga isang minuto ng katahimikan ng napalingon ako sa likod ko. Magrereklamo sana ako dito sa kasama ko kung bakit hindi siya nag sasalita.
Ewan ko kasi sa kanya, Mula ata kanina pansin ko yung pagkahiya niya sa akin. Pero hindi mo naman maalis yung malagkit na titig niya sa akin, na kadalasan ay nahuhuli ko.
Paglingon ko.
Wala na siya.
Parang tuloy akong mukhang baliw na, nakatunganga at naghihintay ng sagot sa taong wala.
Nagbalibalikat nalang akong umalis doon at pumunta sa parking lot upang hintayin si manong ben. (Family driver namin.) Wala kasi akong choice. Hindi naman kasi ako maka drive ng ganito ang kondisyon ko.
Pa ika-ka akong naglakad habang nakasaklay. Pansin kong medyo gumagabi na.
May mga kunting tao pa naman sa school, Yung mga varsity player.
Syempre, Yung iba yung mga couples na naglalapongan.
Yucks. Sa lahat ng lugar na pwede pag datetan sa school pa talaga.
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko, hangang makarating ako sa parking lot.
Mga 30 mins na ata akong hinintay.
At nag iinit na ang ulo ko. Ang tagal naman kasi manong ben.Gustong gusto ko na umuwi. Isama mo na Pagod na pagod na kasi ako at gutom na gutom pa. Pero, biglang nawaksi yung pagmunimuni ko nang may narinig akong kaluskos.
Kung kanina ma init yung ulo ko, napalitan naman ito ngayon nang takot.
Alam kong iniisip niyo ngayon. Ang duwag ko. Pero kasi mula nung may nangyari sakin na kahindikdik nung gabing yon, hindi niyo maalis sa sakin hindi ma takot. Ikaw ba naman muntik nang mamatay.
Nawaksi na naman yung iniisip ko ng may narinig na naman akong kaluskos. Nag mula ito sa isang black na sasakyan. At may napansin akong parang tao sa loob.
Ewan ko kung anong pumapasok sa isip ko. Kahit takot man. Dahan dahan akong lumapit dun sasakyan, para tingnan kung anong ingay na yon. Palapit ng palapit na ako ng-
Naka ramdaman kong may biglang humawak sa balikat ko.
Puting ina! Ito na ba yung kataposan ko? God huwag naman sana. Hindi pa nga ako nagkakalovelife kukunin mo na agad ako.
Dahan dahan ako lumingon.
"Sir." Mahinang sabi ni manong ben.
"Woh! Manong ben ikaw lang pala. Ginulat mo ko doon." Nakahingan sabi ko. Para akong nabunutan nang tinik dahil si manong ben lang pala.
"Ay. Sorry ho sir. Nga pala ano tinitingan niyo ho jan sa sasakyan?" Naguguhulang tanong niya.
Napatingin naman ako sa sasakyan. Pero pagtingin ko. Napasinghap ako. Impossible!
Wala na doon yung tao sa loob. Napailing na lang ako kay manong ben. "W-wala ho. Tara alis na tayo." Biglang sabi ko.
BINABASA MO ANG
ANG ASAWA KONG ASWANG
FantasiaGhoul, vampire, werewolf, and witches/warlock. - mga sikat na mythological creatures sa ibang bansa. At syempre, hindi magpapatatalo ang pinas jan. Meron din tayong ipinagmamalaki, at yun ay ang sikat na ASWANG. Pero, paano kapag isang araw. Ang mal...