AAKA(3)

695 18 2
                                    

Three

.............................................................

Lala's POV

"Itigil na natin to ayaw ko na! Pagod na pagod na ako! I'm sorry." Naiiyak na sabi niya. Tatalikod na sana siya ng hinawakan siya bigla ni rade at niyakap.

"Sa tingin mo ba, ako hindi napapagod? Jen, pagod na pagod na rin ako. Pero, lahat kakayanin ko. Para sayo. Kasi, mahal kita." Naiiyak na sabi niya habang nakayakap kay jen.

"Rade, i'm sorry. Pero, alam mo kung ano hahantongan ng relasyon nating dalawa. Isang akong tao at isa kang aswang. Hindi kailanman pwede magsama tayong dalawa. I'm sorry." Pagtapos niyang sabihin yun unting unting niyang tinatangal ang yakap ni rade sa kanya. At nag lakad palayo. Pero, hinabol na naman siya ni rade. Hinawakan ang dalawang kamay at tinitigan sa mata.

"Pero, handa na akong, gawin ang lahat. Kahit, talikuran ko pa ang lahi ko. Please, jen huwag mo akong iiwanan. Mahal na mahal kita." Pagkatapos niyang sabihin to. Siniil niya ng isang halik si jen. Gumanti naman si jen ng halik sakanya pero agad niya rin itong pinutol.

"Mahal na mahal rin kita rade. But, i'm sorry." Huling sabi ni jen. Bago tuloyang umalis ng lumuluha. Hindi na siya hinabol pa ni rade. At hinayaang umalis si jen sa kanyang harapan.

Dito na nag tatapos ang ika siyam na kabanata.

-Paano na si rade at jen?
-Break naba talaga sila?
-Ito naba ang kataposan nilang dalawa?

Malalaman ang kasagutan sa sususunod na yugto sa ASWANG IS INLOVE.

ABANGAN...

Tapos na ang ipanapanood ko sa tv pero patuloy parin ang pagpupunas ko ng mga luha sa aking mata.

Bwisit. Too much drama. Pero, nakakadala ang bawat mga eksena.

I decided to turn off the tv. Total, tapos naman yung sinusubaybayan ko.

Correction pala. Sinusubaybayan ng lahat.

Lahat ng aswang.

Kagaya niyong mga tao nanood rin kami tv. Kumbaga, sunod narin sa uso.

Bzzzzt bzzzzt bzzzt bzzz
Biglang nag vibrate ang phone ko na nasa gilid ng sofa.
May tumatawag.

Si paul (assistant ni dad na bakla.)

"Yes, paul."

"Lala, where the hell are u?"

"Uhm. nasa condo. Bakit?"

"My god girl. Mauubusan ako ng dugo sayo. Nakalimutan mo na ba birthday ngayon ng kumpare ng daddy mo."

"Ha? Ngayon na ba yun?"

"Hay. Oo. Alam mo ba, kanina pa kita kinokontak? Ba't ngayon mo lang kasi sinagot yung tawag ko?"

"Sorry naka silent kasi yung phone ko."

"Ewan, never mind na nga lang. Basta, pumunta ka na lang dito ASAP. Kanina kapa hinahanp ng daddy mo. Kung alam mo lang, umuusok na yung ilong niya ngayon. Girl, baka mamaya mag tranform yun into baboy ramo. Alam mo naman kung gaano nakakatakot yung daddy mo kapag ganun.  At nandito na ang lahat ng bisita. Kaya lala, please pumunta kana dito. Ikaw nalang kasi ang kulang."

"Oo na bakla."

Then the call was ended.

Napasapo ako sa mukha ko. Bakit kasi nakalimutan ko? Sermon na naman aabotin ko nito?

ANG ASAWA KONG ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon