Six
.............................................................
Sy's POV
Agad akong napalingon dun sa babaeng nagsalita.
Daig ko pa tinuklaw ng sandamakmak na ahas na hindi makagalaw kinatatayo an ko ngayon.
...................5.days.before..................
Kasalakuyan kakatapos lang namin magbrunch ni dev. (Breakfast and lunch na kumbaga). Nagyaya kasi siyang kumain dahil gutom na daw siya.
Kasalanan ko bang hindi siya nag breakfast?
Kaya ngayon ito ako damay at niyaya niyang kumain ngayon sa labas, dahil sa vaccant niya naman daw at mamaya pa ang pasok niya. Sa labas na lang daw kami kumain.
At kung siniswerte nga naman ako, ang napili niya pang kainan ang restaurant namin. Para daw libre siya.
O diba. Ang swerte ko?
Kaya, kahit ayaw ko pa. Umu-oo na lang ako. Baka kasi umiiyak pa tong lokong to, at maging bakla pa. Tapos ako pa iyakan ng mga chickababes niya. Tapos mafall sakin. Tapos ako naman yung habolin. Kaya no choice talaga ako. Kundi umu-oo. Hindi naman ako makatakas kasi alam niya naman kasing wala akong pasok.
Panay pa nga reklamo niya kung bakit ang daya ko, at ang swerte ko na, pinayagan ako ni tito hidalgo. Kahit huwag na daw akong pumasok ng mga isang buwan dahil nagpapatutor naman daw ako. Kumuha na lang daw ako ng prelim namin. At kapag after ng isang buwan na magaling na daw ako, dun na lang ako bumalik.
Binigyan ko naman siya ng autograph na ngiti ko. Na halatang ang saya-saya ko. Well sino tao nga ba ang hindi? Payagan kang huwag pumasok. No attendance. No recitation. No assignment. No quiz. No project. Plus not to see ma'am fernandez in one month?
O diba ang saya?
Naka half autograph smile ako. Habang pasulyap sulyap kay dev na ngayon ay nagdadrive papapunta sa school.
Sumabay kasi ako sa kanya, nang ma alala ko na may usapan pala kami ni lala na, sa library na lang ulit niya ako itutor. Ayaw ko naman sa bahay dahil ang boring dun.
Mga ilang minuto nasa school na pala kami. Kasalukuyang naglalakad kami sa tapat ng president office at habang inalalayan naman ako ni dev. Nang biglang napatigil ako, ng makasalubong namin si lala na parang ang lalim ng iniisip.
"Lala." Tawag ko sa kanya habang dinadaanan niya kami. Napatigil naman siya at napa lingon sa tumawag ng pangalan niya. Nang marealize niyang ako pala. Hindi ko ma intindihan pero automatic namula ang mukha niya.
"A- hi, sy." Parang ewang nahihiyang namulang sabi nito.
"ano yun?""Ah eh." Parang hindi ko ata mahanap ng dila ko.
"Ih oh uh." Biglang singit ni dev. Habang nakangiti. Tinginan ko naman siya ng masama.
"Wala. Itatanong ko lang sana kung tuloy ba mamaya?" Nahihiyang tanong ko.
Teka bakit ako nahihiya?
"Oo." Nahihiya sagot niya.
"Ah sige yun lang. Kitakits na lang. Salamat, una na kami." Hindi ko na siya pa pinasagot at hinila ko yung kwelyo ng damit ni dev, kahit na pa ika-ika. Para pagtakapan yung pagkahiya ko.
"Teka, ther. Yung damit ko naman." Rinig ko reklamo ni dev habang kinuha yung kamay kong nakahawak sa kwelyo niya.
Bigla itong tumingin ng masama sakin habang pinagpagpag yung gusot sa kwelyo niya.Si dev kasi yung taong hindi mo inasahang may pagka neat at clean na klase na tao kahit nasa mukha siyang puro ka ogagohan ang alam. Malinis at responsable yan pagdating sa katawan.
BINABASA MO ANG
ANG ASAWA KONG ASWANG
FantasiGhoul, vampire, werewolf, and witches/warlock. - mga sikat na mythological creatures sa ibang bansa. At syempre, hindi magpapatatalo ang pinas jan. Meron din tayong ipinagmamalaki, at yun ay ang sikat na ASWANG. Pero, paano kapag isang araw. Ang mal...