Five.............................................................
Sy's POV
"Ther! Ther!" Mahinang sigaw ni dev na may kasamang pang yogyog ng katawan ko.
"Uhmm." Yan lang nasabi ko. Antok na antok pa kasi ako. Ngayon lang kasi ata ako nakatulog ng maayos sa ilang araw na nag daan.
"Uy! Ther gising na!"patuloy parin ang payogyog ni dev sakin. Hindi ata to titigil hangang hindi ako nagigising.
"Ano ba dev!" Malakas na sigaw ko sa kanya. Shet. Gusto ko pang matulog. Pero itong si dev. Panira ng moment.
"Sy, bangon na kasi." Rinig kong reklamo niya. Tinigil niya na rin yung pagyogyog sa katawan ko.
Tinignan ko naman siya ng masama, at agad 'kong kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko, para tingnan kung anong oras na.
"Ano na namang kalokohan to dev? At alas dose talaga ng gabi, mangigising ka?" Masungit na tanong ko sa kanya.
Nakakainis kasi dalawang oras palang mahigit, simula ng makatulog ako ng maayos. Tapos, ito ngayon si dev 'binibwiset yung tulog ko.
"Ther, baka pwede samahan mo akong mag bar." Nakangiting sabi ni dev.
Nawala naman agad ang ngiti nito, ng makitang ang autograph na ngiti kong pinakawalan sa kanya.
Bago pa siya maka react. Agad kong dinampot ang isang unan at niyakap. Kasabay noon, ay ang pag hinigit ko ng kumot ko na nasa bandang paanan ko, at ibinalot ko sa buong katawan ko.
"Sy, naman eh!"rinig kong reklamo niya. Mukhang naka recover na pala siya.
"Good night dev."may pahikab-hikab kong sabi at ipinikit ko ang aking mga mata.
"Sy, naman eh!" Parang batang reklamo nito. At agad na umupo sa tabi ko. "Please sige na samahan mo na ako." Malambing sabi nito at may kasama pang hapos sa balikat ko. Yucks. Nakakapanindig balahibo.
Agad akong napadilat, napa upo at umisod ng konti palayo sa kanya. At tiningnan siya ng masama.
"Bullshark! Oo na! walang ya ka talaga! sige na sasamahan na kita!" Inis na sabi ko. At agad kinuha ang saklay ko para tumayo.
Siya naman tumawa dahil sa naging reaksyon. Alam niya kasing inis na inis ako kapag hinahaplos yung balikat ko.
"Sige na umalis ka na. Magbibihis lang ako." Pang tataboy ko sa kanya. Pero ang loko sa halip na umalis, humiga pa sa kama ko.
"Ayaw ko nga. Baka matulog ka pa ulit eh." Nakayakap pa sa unan ko nasabi nito."Sige, bahala ka diyan!"inis na sabi ko sakanya at pa ika-ikang pumasok sa walking closet ko, para magbihis.
"Paano tayo makakalusot diyan?" Nakangusong turo ko kila manong kanor na busy sa pagto-tong its. Ma sumbong nga to sila manong sa mga pinagagawa nila. Kundi magbantay, sugal ang ginagawa.
"Akin na yang saklay mo. Bubuhatin kita." Sabi naman ni dev.
"Ayaw ko nga!" Inis na reklamo ko sakanya. Ang sagwa kasi tingnan kapag binuhat niya ako.
"Sige ganito nalang, aalayan nalang kita. Pero dahan dahan lang. Hindi naman tayo siguro mapansin nila. Kasi, tingnan mo nga busy sa pagtotong its. Hindi nga napansin nila yung pagpasok ko kanina." Rinig kong paliwanag niya. "So ano game?" Rinig kong tanong niya, Tumango nalang ako sa kanya. At sinimulan niya naman akong alalayan.
Dahan dahan kaming humakbang ni dev at hindi gumagawa ng ingay ng naka daan na kami sa guard house. Lagot kasi kami kapag mahuli kami 'lalo na ako. Patay ako kila mom at dad nito.

BINABASA MO ANG
ANG ASAWA KONG ASWANG
FantasyGhoul, vampire, werewolf, and witches/warlock. - mga sikat na mythological creatures sa ibang bansa. At syempre, hindi magpapatatalo ang pinas jan. Meron din tayong ipinagmamalaki, at yun ay ang sikat na ASWANG. Pero, paano kapag isang araw. Ang mal...