Chapter 9: Secrets

202 5 3
                                    

Chapter 9: Secrets

~Baekhyun’s POV~

Magkaharap ngayon ang SHINee at Exo kasama na si Ange. Nagtititigan lang kami dito ng biglang tawagin ni Ange ang pangalan ko.

“Baekhyun?” tawag niya. Nagulat ako ng tawagin niya ang pangalan ko. Hindi ako inaasahan na tawagin niya ko dahil.. Nakalimutan na nga niya ako diba?

Pero ang sarap pakinggan… Na sinambit niya ang pangalan ko.. ang tagal ko nang gustong marinig ang boses niya.. Ang tagal ko nang gustong yakapin siya… kausapin… mahalin….

Ito na ang chansa ko para kausapin siya at masabi sa kanya ang lahat.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

“Pwede ba tayong magusap?” tanong ko. Halatang nagulat siya sa tanong ko. Nagmamakaawa ako Ange… kausapin mo ko… “Please?” dagdag ko at nagmakaawa sa kanya.

Gusto na talaga kitang kausapin.

Hindi mo alam kung gaano kita gustong makasama.

“Ah…S----“ sasagot na sana siya ng biglang hawakan ni Taemin ang kabilang kamay niya. Napatingin siya kay Taemin pero nakatingin lang si Taemin sa lapag.

Nagsimula nang maglakad ang SHINee at nilagpasan kaming EXO. Dahan dahang hinila ni Taemin si Ange papalayo sakin. Hinigpitan ko lalo ang hawak ko kay Ange.

Wag kang umalis please….

Wag mo kong iwan…

Napatingin siya sakin na para bang nagsosorry siya.

Hindi ko kailangan ng sorry mo Ange…

Ikaw ang kailangan ko ngayon.

Dahan dahan ring naghiwalay ang kamay namin ni Ange at nagbitaw.

Ano ba naman yan.. Kung kelan akala ko chansa ko na!

TInignan ko lang siya habang hawak ng ibang lalaki ang kamay niya.

Dapat ako yun eh! Dapat kamay ko ang hawak niya ngayon!

Bakit ba kasi ang unfair ng mundo?!

Bakit ba kasi kailangan niya kong kalimutan?!

Bakit ba kasi… Hinayaan ko siyang umalis dati…?

~Ange’s POV~

Nandito na kami ngayon sa loob ng cafeteria at nakaupo sa upuan (malamang sa malamang). Nagorder sina Key at Onew oppa kaya kami kami lang ni Minho oppa, Jonghyun oppa at baby dito. Tahimik lang kami.

Bakit?

Simula kasi nung nangyari kanina, di ako umiimik, pati narin si Taemin. Pero magkahawak parin ang kamay namin.

Hindi ko alam kung bakit ba ayaw ni Taemin na kausapin ko si Baekhyun. Dati rin dun sa concert. Sinuntok pa niya si Baekhyun non at hinila ako paalis.

Parang déjà vu lang ah.

Hindi ko rin alam kung bakit parang… kanina.. nung magkahawak ang kamay namin ni Baekhyun..

Parang ayaw ko siyang bitawan…

AISH! Ewan! Naguguluhan ako! Bwisit naman kasi na utak to eh! Tatanga tanga!

Parang gusto kong mapagisa ngayon… Bakit pa kasi yun nangyari ih?!

Hindi.. Dapat hindi ko pinapahalata ang sarili ko. Dapat maging Masaya ako. DAPAT.

Tumayo ako at binitawan ang kamay ni Taemin. Nagulat siya sa ginawa ko. Tinignan niya ko ng may pagtataka sa kanyang mukha.

Again [ Baekhyun ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon