Epilogue: The Final Chapter

273 9 0
                                    

Epilogue: The Final Chapter

Takbo lang ng takbo ang dalaga. Ni di nga niya nahalata na nakalabas na siya ng SMB eh. Kahit na umuulan pa, wala siyang pakialam. Gusto lang niya lumayo.

Lumayo kay Taemin.

And of course, Taemin is chasing after Angelou. He just can't afford to watch the latter be in pain. Kailangan niyang makausap si Ange. Kahit na narinig na ng dalaga ang kailangan niyang malaman, gusto parin ni Taemin na sabihin ang lahat, detail per detail.

"ANGELOU!!" sigaw ng binata. Hindi parin tumigil ang dalaga kahit narinig niya ito. The latter didn't have any choice but to grab the lass' arms and force her to look at him.

"Angelou..." sabi nito habang yakap ang dalaga.

"ANO BA! BITAWAN MO KO!" sigaw nito habang nagpupumiglas.

"Ayoko! Hindi kita bibitawan! Hindi ko kayang... bitawan ka...." Mahinang sambit ng binata.

"Ano ba Taemin... Hindi pa ba sapat ang pagsisinungaling mo sakin?!" galit na tanong ng dalaga habang umiiyak. "Ano pa bang pagpapasakit ang gusto mong gawin?!" sigaw ulit nito at tinulak ang binata.

Galit na siya...

Dahil ano?

Dahil alam niya sa sarili niya na niloko at nagsinungaling lang sa kanya ang binata. Na all those time na magkasama sila....

Those were lies too.

"ANGELOU! MAKINIG KA!" sigaw in Taemin at hinawakan ang magkabilang braso ng dalaga.

"WALA NA KONG PAPAKINGGAN P----"

"GINAWA KO TO PARA SAYO!" putol nit okay Angelou. Napatingin ang dalaga sa binatang ngayon ay nanginginig at umiiyak.

Parehas na silang umiiyak.

Pero di nila nahahalata.

Bakit?

Kasi umuulan. Akala nila patak lang ng ulan ang dumadaloy sa mukha nila.

Pero di nila alam.

Nasasaktan na sila sa ginagawa nila.

"Ano....?" Di makapaniwalang tanong ng dalaga. "Paano to naging para sakin Taemin...? SABIHIN MO NGA!" the lady scoffed. "Sinaktan mo ko----"

"Alam ko! Alam ko sinaktan kita! At alam ko na nagsinungaling ako sayo! Pero ginawa ko lang yun dahil di ko kayang Makita ka na nasasaktan! Hindi ko kaya na Makita kang umiiyak ng dahil sa kanya! Gusto kong pasayahin ka! Yun lang naman yun eh!" pagpapaliwanag ng binata. Di na nakapagpigil ang dalaga at hinablot nito ang binata sa kwelyo.

"TANGNA TAEMIN! SA TINGIN MO BA HINDI AKO NASASAKTAN NGAYON?! SA TINGIN MO BA HINDI AKO UMIIYAK NGAYON?! SA TINGIN MO BA... MASAYA AKO NGAYON?! HA?!" sigaw nitong tanong. Hinawakan ni Taemin ang kamay ng dalaga na nasa kwelyo niya.

"Alam kong nasaktan kita dahil nagsinungaling ako sayo. Alam ko yun.... At nagsisisi ako... akala ko... ito ang magpapasaya sayo.. akala ko... ito ang mabuting gawin..." mahinahon na wika ng binata.

"Akala.. Akala...? Hindi mo ba inisip kung gaano ako masasaktan pag ginawa mo to? Naniwala ako sayo Taemin!" hindi umimik ang binata.

"NANIWALA AKO NA IKAW ANG TAO NA NASA MEMORYA KO! NANIWALA AKO SA BAWAT SALITA NA SINASAMBIT MO! NANIWALA AKO NG BUO SAYO!! Pero Taemin.. How could you? How could you just crumple my trust like this...? Minahal kita Taemin... MINAHAL kita...." -Angelou

Again [ Baekhyun ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon