Chapter 4: Going to Korea

254 7 1
                                    

Chapter 4: Going to Korea

~Taemin’s POV~

Bakit ba kasi pinayagan ko si Angelou na pumunta sa walang kwenta na concert na yun? Kung hindi ko siya pinayagan, hindi ako magkakaganito ngayon eh.

Simula kasi nung nakita ni Angelou si Baekhyun, lagi nalang akong kinakabahan. Ayaw kong…

.

.

.

.

.

.

Malaman ni Ange ang katotohanan.

Ayaw ko siyang masaktan.

Hindi ko gugustuhin na Makita siyang umiyak ulit tulad ng dati.

Mas mabuti na kalimutan niya ang lalaking yon.

At tandaan na niya na ako ang mahal niya.

~Ange’s POV~

Nandito kami ngayon ni baby sa Airport, kasama si Lou. Ngayon na kasi ang alis ni Taeminnie papunta sa Korea. Obvious na kasama ako, pinayagan ako ng parents ko eh!

Follow your dreams daw eh! XD

“Ano ba yan…. Iiwanan niya na ko….” Pagdradrama ni Louise. Nagkukunwari siyang umiyak.

“Ban drama nitong bruha na to.” Sagot ko.

“Okay lang yan Lou.. Susunod ka naman samin next time diba?” pagc-comfort ni baby.

“Buti pa si Taeminnie! Ang bait sakin! Kung sino ba naman ang nabansagang best friend ko siya pa yung masama!” pagmamaktol niya. Napabuntong hininga nalang ako.

“Hay nako Louise. Ang drama mo kasi eh. Susunod ka naman samin dun eh. Tsaka, may skype kaya! May Fb! Twitter! Kakao Talk! Makakapag-usap tayo huy.” Pagpapaliwanag ko. Bigla siyang tumigil sa pagiyak.

“Ay, oo nga no. geh. Di na kita mamimiss.” Aba’t BANG BIPOLAR NITONG BABAENG TO!!

“Oh baby, time to go.” Wika ni Taemin. Buti nalang Taemin. Buti nalang. Kung hindi, masasabunutan ko tong babaeng to!! >.<

“Ge. Layas na!! Ingat kayo ha! Wag magpabuntis ng maaga Ange!” pagpapayo ni Louise. Siraulo talaga yun. -_____- Tumawa lang si Baby at kumaway rin kay Louise. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa boarding gate.

Di ko alam pero excited akong makapunta sa Korea.

Di ko madescribe yung feeling.

Feeling ko.. May naghihintay sakin sa Korea.

~Author’s POV~

Makalipas ang maraming oras ay nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon. Pagkakuha nila ng kanilang gamit, dumiretso agad sila sa hotel para makapag-pahinga.

“Grabe. Bat ako pagod na pagod? Nakaupo lang naman tayo ah.” tanong ni Taemin at ihinandusay ang katawan sa malambot na kama.

“Kahit naman nakaupo lang tayo, nakakapagod rin yun no! Nakakangalay kaya!” wika ni Ange.

“Ahhahahah! Oo nga no!” tawa ni Taemin. Tumayo siya bigla sa at lumapit kay Ange. “Pero, mamaya na tayo magpahinga! Labas muna tayooo!!!” aya ng binata at hinablot ang kamay ng dalaga. Hinigit ni Taemin papalabas si Ange. Wala nang nagawa ang babae kundi sumunod dahil alam niya na makulit ito.

Again [ Baekhyun ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon