Prologue

1.3K 26 3
                                    

~*~

Anong storya ng buhay ko? Simple lang naman. Boring. It's the same thing every single day. Sa school, hindi naman ako sikat. Ewan ko rin kung paano mo matatawag na sikat ang isang estudyante sa school namin, eh. Malaki naman yung school namin pero halos lahat kaming magkaka-batch mates, magkakakilala rin. In short, walang nobody and popular sa school namin. I also have best friends that make my life less boring. Top 4 ako overall sa batch namin. I feel like it's a miracle. Bakit? Medyo pabaya ako sa studies ko. I don't expect na makakasali pa ako sa top students. Family info? Simple lang din 'yan. Laging busy si mom and dad sa work, along with ate. Ate is an achiever. May ading ako na elementary. May kambal akong nakakapikon. Sa bahay, dito nagiging exciting ang buhay ko- dahil nagbabasa ako ng various stories. Mystery, thriller, fantasy, humor, romance, fanfiction-- you name it, I read it! Pero nakakainis din dahil palagi kong naririnig na napapagalitan ang kambal kong palaging late umuuwi na galing sa computer shop. Mayaman naman kami at may sarili siyang computer sa kwarto niya kaya ewan ko ba du'n. Sabi niya para raw makasama niya yung mga kaibigan niya. Hindi ko sila maintindihan. Hindi ba sila nagsasawa sa mga pagmumukha ng isa't isa? Every weekends din, lagi silang nagbibisitahan sa bahay nila-- naglalaro lang naman sila sa Xbox, eh. And siyanga pala, about sa "mayaman kami" thingy, wala 'yun. Hindi naman namin ramdam, eh. Parang humble lang kami kumbaga. Haayyss... will my boring life ever change?  

~*~

Prologue 

Free time namin ngayon dahil busy ang teacher namin sa pag-aayos ng grades namin para sa first quarter. Sabi niya, "We'll be resting today," and by that, she meant, us- students. Nagpapakasaya kami rito samantalang siya, nagpapaka-stress sa grades namin. How sad. She's one of my favorite teachers pa naman. 

Pero mabalik na nga lang ang atensyon ko sa binabasa ko--

"Brit!!" dinig kong sigaw sa akin ng isa kong kaklase. Nilingon ko naman siya, ta's nakita ko na lang na naglalakad na pala siya palapit ng armchair ko. 

Hinintay ko siyang makarating, bahala siya. Siya ang may kailangan. 

Nang malapit na siya sa armchair ko, ewan ko ba kung bakit, pero lumuhod siya. Para sa'n pa? Para hindi siya makakuha ng atensiyon ng iba naming mga kaklase? Eh, sumigaw na nga sa kanina. Para makapag-usap kami ng maayos? Makakapag-usap naman kami ng maayos nang nakatayo siya kahit matangkad siya. Parang ewan. Luhod-luhod pang nalalaman.

"Ano?" tanong ko pagkatapos niyang lumuhod. 

"Pahiram nga ng lapis." 

"Ha?"

"Ang sabi ko, pahiram ng lapis! Ang lakas na nga ng pagkasabi ko ta's ganyan ka pa. Bingi-bingihan lang?" 

"Ikaw na nga itong hihiram ta's ikaw pa ang may balak mang-ganyan? Bahala ka sa buhay mo! Hindi na kita papahiramin!" 

"Edi h'wag! Para kang bata!" 

"Wow! Nahiya naman ako sa 'yo!" 

"Dapat lang!" 

"Mr. Romero, Ms. Mortez, please lang! I told you to rest! Hindi ko sinabi na gawin niyong palangke ang classroom na 'to. Ano ba ang binebenta niyo? May binebenta ba kayo?" tanong sa amin ni Ma'am Belle. 

The Fangirl And The GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon